Mother Earth Foundation

1.jpg

Tinutulungan ngayon ng Mother Earth Foundation, isang non-government organization(NGO) na tumututok sa mga gawaing pangkalikasan at kapaligiran, ang Batangas City sa ecological solid waste management nito upang epektibong maipatupad ang paghihiwalay ng basura, kalinisan at kaluntian at mabawasan ang basura.


Ito ay bahagi ng paglulunsad ng City Environment and Natural Resources Office(ENRO) ng proyektong “Empowering Eto Batangueno Disiplinado” upang maging Zero Waste and lungsod at mapagtibay ang pagiging Green City nito.


Upang maisagawa ang proyektong ito, nakipagpasundo ang ENRO sa Mother Earth Foundation upang tumulong sa pagsasaayos ng pangangasiwa ng basura ng lungsod. Ang mga miyembro ng nasabing foundation ay nagbabahay bahay ngayon sa tatlong pilot cities ng Cuta, Wawa at Sta. Clara na ilan sa mga barangay na may madaming populasyon upang turuan ang mga mamayan ng tamang pangangasiwa ng basura.


Isa rin sa pagtutuunan ng pansin dito ay ang pagkakaroon at paggamit ng Materials Recovery Facility o MRF sa bawat barangay upang siyang pagdalhan ng mga plastic at iba pang recyclables. Kailangang sanayin rin ang bawat bahay sa composting ng kanilang basurang nabubulok at bawasan ang paggamit ng plastic upang mabawasan ang basura. Ang nasabing proyekto ay magsisilbi ring mekanismo upang malaman ang dami at uri ng mga basura na nalilikha sa isang barangay. (PIO Batangas City)

 

Sa kanyang muling pagbabalik, ganap ng hepe ng Batangas City Police si Police Supt. Danilo Mendoza ng siya ay umupo noong gabi ng January 9, ilang oras bago ipatupad ang ban ng Commission on Elections sa transfer o movement ng mga officers at employees sa civil service tuwing election period.