Mayor EBD Cup Sports Tournament 2016

  97-Mayor-EBD-Cup-Sports-Tournament-2016-1.jpg 97-Mayor-EBD-Cup-Sports-Tournament-2016-10.jpg 97-Mayor-EBD-Cup-Sports-Tournament-2016-11.jpg 97-Mayor-EBD-Cup-Sports-Tournament-2016-12.jpg 97-Mayor-EBD-Cup-Sports-Tournament-2016-13.jpg 97-Mayor-EBD-Cup-Sports-Tournament-2016-2.jpg 97-Mayor-EBD-Cup-Sports-Tournament-2016-3.jpg 97-Mayor-EBD-Cup-Sports-Tournament-2016-4.jpg 97-Mayor-EBD-Cup-Sports-Tournament-2016-5.jpg 97-Mayor-EBD-Cup-Sports-Tournament-2016-6.jpg 97-Mayor-EBD-Cup-Sports-Tournament-2016-7.jpg 97-Mayor-EBD-Cup-Sports-Tournament-2016-8.jpg 97-Mayor-EBD-Cup-Sports-Tournament-2016-9.jpg

Dinumog ng mga tagasuporta ng bawat teams ang pagtatapos ng Mayor EBD Cup Sports Tournament 2016 noong ika-8 ng Hunyo sa Batangas City Sports Coliseum. Ito ang ika-12 taon ng naturang palaro na inisponsoran ng pamahalaang lungsod ng Batangas.

Layunin ng torneo na hubugin ang mga kabataang Batangenyo sa ibat-ibang sports.

Ayon kay Glecy Clet, City Council for Youth Affairs (CCYA) coordinator, isa itong mabisang paraan upang mailayo ang mga bata sa impluwensiya ng masamang barkada. Maari aniyang makapili ng mga manlalarong Batangenyo na mag-compete sa Maynila at maging tanyag na player balang araw.

Sa softball, nagkampeon ang Barangay Alangilan, samantalang 1st runner-up ang Barangay Bolbok. Napiling Most Valuable Player (MVP) si Cesar Dimarucut.

Sa baseball naman, tinanghal na kampeon ang Libjo at 1st-runner-up ang Calicanto. Napiling MVP si Mark Owen Driz ng Libjo.
Sa women’s volleyball, tinanghal na kampeon ang Barangay Libjo ng pataubin nito ang karibal na Barangay Alangilan, 3 sets to 1. Sinandalan nila ang malalakas na attacks ng league MVP na si Melinda Bathan upang makopo ang kampeonato.

Sa men’s volleyball, nagkampeon ang Barangay Bolbok laban sa Libjo, 3 sets to 1. Napiling MVP ng liga si Byron Magtibay ng Barangay Bolbok.

Sa basketball naman, nagwagi ang Brgy. Sta. Clara laban sa Calicanto sa score na 91-77. Naging mainit ang labanan ng dalawang koponan mula umpisa hanggang sa huling segundo ng laro. Nagtala ng 18 points si point guard Raven Briones ng Sta. Clara upang tanghaling MVP ng juniors division.

Samantala, hindi pinaporma ng Barangay Calicanto ang Barangay 6 upang tanghaling kampeon ng Seniors Division sa score na 95-77. Bumigay ang Barangay 6 sa pressure defense ng Calicanto upang kunin ang maagang kalamangan at hindi na nila ito binitawan. Sinandalan ng Calicanto ang mainit na laro ni shooting guard Lucky Mangabang sa itinala nitong 24 points at iniuwi nito ang tropeo bilang MVP ng naturang dibisyon.

Bukod sa mga tropeo at medalya, tumanggap ang bawat kampeon ng tig-P20,000 cash samantalang P15,000 naman ang iniuwi ng 1st runner-up.