An Act Allowing Illegitimate Childdren to Use the Surname of their Father

  98-Illegitimate-Childdren-to-Use-the-Surname-of-their-Father-1.jpg 98-Illegitimate-Childdren-to-Use-the-Surname-of-their-Father-2.jpg 98-Illegitimate-Childdren-to-Use-the-Surname-of-their-Father-3.jpg 98-Illegitimate-Childdren-to-Use-the-Surname-of-their-Father-4.jpg

Sa ilalim ng Revised |Implementing Rules and Regulations Governing the Implementation of Republic Act No. 9255 o An Act Allowing Illegitimate Childdren to Use the Surname of their Father, ang karapatang mamili ng kanyang apelyido ay nasa anak na ngayon.

Ito ay kasunod ng ruling ng Supreme Court noong 2015 na dinedeklarang “null and void”ang Rule 7(Requirements for the Child to Use the Surname of the Father) at Rule 8(Effects of Recognition ) ng unang Administrative Order ng RA 9255.

Ayon sa bagong batas, ang Revised IRR ay mag aaply sa lahat ng mga batang ipinanganak noong March 19, 2004 na siyang effectivity date ng R.A. No. 9255 o pagkatapos ng date na ito kung saan kasama ang lahat ng unregistered at registered births sa ilalim ng apelyido ng ina.

Nakasaad sa R. A. No. 9255 na pwedeng gamitin ng isang illegitimate child o yuong hindi kasal ang magulang, ang apelyido ng kanyang ama kung siya ay tinatanggap na anak ng kanyang ama at may katunayan na ang ama ay pumapayag na gamitin ng kanyang anak ang kanyang apelyido.

Kung ang bata ay anim na taong gulang pababa, ang ina ang siyang magsasagawa mg Affidavit to Use the Surname of the Father (AUSF) alinsunod sa Art. 213 (2) ng Family Code. Kung ang bata ay edad 7-17 taong gulang, ang bata ang mag e execute ng AUSF dahilan sa siya ay itinuturing na nakakaintindi na subalit kailangan ng attestation o permiso ng ina. Ang mga edad na 18 taong gulang na at pataas, ang siya ng mag e execute ng AUSF kahit na walang attestation ng ina.

Kaugnay nito, sumailalim ng dalawang araw na pagsasanay sa pagpapatupad ng Revised IRR ng R. A. 9255 ang lahat ng city at municipal civil registrars sa Batangas Province noong June 7-8 sa Batangas City Convention Center.

Ayon kay Raul Maximo Tolentino, Officer- in- Charge ng Provincial Statistics Office, layunin ng pagsasanay na ito na mabigyan ng sapat ng kaalaman ang mga participants upang maayos nilang maipaliwanag sa kanilang mga kliyente ang mga bagong kauutusan ng Korte Suprema hinggil sa pagpapatala ng mga illegitimate children. (PIO Batangas City)