Batangas City Blood Olympics

  Batangas-City-Blood-Olympics-1.jpg Batangas-City-Blood-Olympics-2.jpg Batangas-City-Blood-Olympics-3.jpg Batangas-City-Blood-Olympics-4.jpg Batangas-City-Blood-Olympics-5.jpg Batangas-City-Blood-Olympics-6.jpg

Isinagawa ang kauna-unahang Batangas City Blood Olympics sa temang “Be a Hero, Save lives, Be a Blood Donor”sa Barangay Alangilan covered court kamakailan (June 9, 2016).

Ang nasabing gawain ay pinangunahan ng City Health Office sa pakikipag ugnayan sa Batangas Medical Center.

Ang mga volunteers ay sumailalim muna sa check up at interview upang alamin ang status ng kanilang kalusugan bago sila kunan ng dugo.

Ayon kay Dr. Ian Calingasan, coordinator ng National Voluntary Blood Donation Program Batangas City, layunin ng Blood Olympics na mas mahikayat ang mga tao na magdonate ng dugo upang makatulong at makapagsalba ng buhay. Mayroon din magandang benepisyo sa katawan ng nagdonate ng dugo sapagkat napapalitan ng bagong dugo ang katawan nito.

Ang mga donor ay nagmula sa mga Barangay Alangilan, Balagtas, Concepcion, Soro-Soro, kung saan katulong ang mga midwives, barangay health worker at barangay officials sa paghihikayat sa mga tao.

Ang mga dugo na nakuha mula sa mga donor ay mapupunta sa Batangas Medical Center kung saan ito ay dadaan sa screening. Ang mag donor naman ay maaaring makakuha ng libreng dugo kung sakaling sila o ang kanilang mahal sa buhay ay mangailangan. (Monina B. Fernandez – PIO Batangas City)