DOST nag “Science Camp for Lolo and Lola”

  teachers-01.jpg teachers-02.jpg teachers-03.jpg teachers-04.jpg senior-camp-01.jpg senior-camp-02.jpg senior-camp-03.jpg senior-camp-04.jpg

Hindi tumitigil ang edukasyon kahit ng mga matatanda na kaya’t nagdaos ng Science Camp for Lolo and Lola ang Department of Science and Technology(DOST), Science Education Institute sa may 50 presidente ng Barangay Association of Barangay Captains sa Batangas City sa temang, “Science Education to Upgrade the Capacity of Older Persons.”

Ang dalawang araw na gawain kahapon at ngayon ay joint undertaking ng Office of Senior Citizens Affairs sa pamumuno ni dating Mayor Vilma Dimacuha at ng DOST sa layuning higit na ma appreciate ng mga katatandaan ang kahalagahan ng science at technology sa kanilang buhay at malaman na hindi tumitigil ang pagiging produktibo kahit sila ay matatanda na.

Tinalakay ni Consuelo Orense, supervising science research specialist ng DOST ang State of Nutrition of Older Persons habang nagsalita naman sa Stronger Me! Benefits of Exercise si Anjela Veronica Zaraspe, nutrionist-dietitian ng City Health Office(CHO) at What to do during Common Health Emergencies si Dr. Alfrayzar Mulsid, medical officer 1V ng CHO.

Bukod sa lecture, may mga naging activities din ang mga participants sa Lolo ang Lola Went to Market topic ni Maria Viktoria Melgo, project assistant ng DOST kung saan ipinakita nila ang kanilang kaalaman sa pagbili ng mga masustansiyang pagkain na angkop sa kanilang edad. Gumawa rin sila ng kanilang mga robots sa Robotics and Grandma and Grandpa lecture ni Ma. Nerissa Nicolas, science research specialist ng DOST. Sa Face to Face: Leaving Your Mark(Biology) topic ni April Dumayag, science research specialist ng DOST, nagdrawing sila ng muka ng kanilang mga anak upang ipakita ang mga features na namana nila sa kanilang mga magulang. May natutunan naman sila sa chemistry sa You’re my A&B Household Acids and Bases ni Joan Salise, science research specialist ng nasabing ahensya.

Nag-enjoy din sila sa ballroom dancing sa kanilang night activity. Angela J. Banuelos, PIO