Sina Ma’am at Sir sa pagdiriwang ng World Teacher’s Day

  teachers-01.jpg teachers-02.jpg teachers-03.jpg teachers-04.jpg

BATANGAS CITY- Sa pagkakataong ito, ang mga guro ng Colegio ng Lungsod ng Batangas ang nagtanghal sa pamamagitan ng kanilang comedy presentation sa pagdiriwang ng World Teacher’s Day noong October 5 sa temang “Guro Kabalikat sa Pagbabago”.

Ang World Teachers’ Day ay isang espesyal na okasyon kung saan binibigyang-pugay ang mga guro dahilan sa mahalagang kontribusyon nila sa pagkakaloob ng de-kalidad na edukasyon at pagtulong sa paghubog ng isang mabuting lipunan.
Sa kanilang parte, ipinakita ng CLB Dance Group ang pagpupugay sa mga guro sa pamamagitan ng isang makabagbag damdaming sayaw.

Nagpahayag ng buong pasasalamat ang lahat ng mag-aaral sa kanilang mga guro sa walang sawang pagbibigay sa kanila ng wastong edukasyon para sa kanilang kinabukasan. Naluha naman ang mga guro sa mga mensaheng ipinaabot ng kanilang mga estudyante. Nariyan ang paghingi ng tawad sa kanilang pag-iingay at iba pang pagkakamali, pagpapahayag ng pagmamahal sa kanila at iba pang mga salita na dinadakila ang papel ng kanilang mga guro sa pagkakaroon ng malawak na kaalaman na mag-angat ng antas ng kanilang pamumuhay at magbibigay daan upang makamtan nila ang kanilang mga pangarap at ambisyon sa buhay. LIZA PEREZ DE LOS REYES/PIO Batangas City