Batangas City Public Employment Service Office umani ng mga pagkilala

  peso1.jpg

Dahilan sa ginagawa nito upang dumami ang may hanapbuhay sa lungsod, ginawaran ang Batangas City Public Employment Service (PESO) Office ng Certificate of Recognition ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region IV-A (CALABARZON) – Batangas Provincial Office sa Component City Category para sa buwan ng Enero hanggang Hulyo.

Natanggap ng PESO ang mga sumusunod na pagkilala:

• Most Active PESO in SRS Report Generation
• Most Number of Placed SPES Beneficiaries
• Most Number of Placed Walk-In Job Applicants
• Highest Placement Rate of Walk-in Job Applicants

Mas maraming Batangueno ang nabibigyan ng trabaho hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa bunga ng pakikipag-ugnayan nito sa DOLE at sa mga local at overseas employers hinggil sa mga job hirings.
Ayon kay Noel Silang, Batangas City PESO Manager, bukod sa mga job fair at special recruitment activity na kanilang pinangangasiwaan, sila rin ang nakikipag-ugnayan sa ibat-ibang kompanya upang ma accommodate ang mga aplikante sa tamang trabaho na angkop sa kanilang skills. Ilan pa rin sa kanilang mga serbisyo ang job orientation, pagbibigay ng career counseling at iba pa.

Ang awarding ceremony ay ginanap noong ika-21 ng Oktubre sa Batangas Provincial Federation of PESO Managers, Inc’s 4th General Assembly sa Municipality ng Lobo.