DepEd opens 2016 sports competition

  deped-1.jpg deped-2.jpg deped-3.jpg deped-4.jpg deped-5.jpg

Binuksan ng Department of Education ang taunang division sports competition sa Batangas City Coliseum ngayong October 24 kung saan kalahok dito ang ang mga elelmentary at high school students mula sa iba’t ibang public school districts at apat na private schools.

Kabilang sa mga private schools ang Lyceum of the Philippines University Batangas, University of Batangas at St. Bridget College. Kalahok din dito ang Batangas State University.

Pinangunahan ni OIC Asst. Div. Schools Supt. Rhina Silva na siyang kumatawan kay Division Schools Superintendent Donato Bueno ang opening ceremonies ng nasabing kumpetisyon na tatagal hanggang October 28.

Sinabi ni City Mayor Beverley Dimacuha na nararapat na magkaroon ng ganitong uri ng aktibidades ang mga paaralan sapagkat hindi lamang nakukuha sa loob ng silid aralan ang lahat ng kaalaman na dapat malaman ng mga kabataan.

Ibinalita naman ni Cong. Marvey Mariño na malapit na ang konstruksyon ng modernong city library na higit na makakatulong sa pag aaral ng mga estudyante.

Nagbigay ng magandang pagtatanghal ang Batangas National High School at Batangas State University Cultural Guild . (Alvin M. Remo, PIO Batangas)