Youth Congress tungkol sa droga at iba pang teen-age problem

  youth1.jpg youth10.jpg youth11.jpg youth12.jpg youth13.jpg youth14.jpg youth15.jpg youth2.jpg youth3.jpg youth4.jpg youth5.jpg youth6.jpg youth7.jpg youth8.jpg youth9.jpg

BATANGAS CITY- Nangungunang problema ng mga kabataan ngayon ay ang drug addiction, teen pregnancy at ang pagkalat ng Sexually Transmitted Infection(STI), Human Immunodeficiency Virus(HIV) at Acquired Immune Deficiency Syndrome(AIDS).

Kung papaano maiiwasan ang mga problemang ito ang tinalakay sa Youth Congress na isinagawa ng Population Program Division ng City Health Office sa pakikipagtulungan ng Department of Education, Population Commission at Batangas City Police kung saan may 250 third at fourth year students mula sa public at private high schools ang dumalo kasama ang kanilang mga principal. Ang unang bahagi ay symposium sa drug awareness and prevention at ang ikalawang bahagi ay ang You for You Teen Trail.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Beverley Dimacuha sa mga eskwela na “kahit kayo ay galing sa broken family o may miyembro ng pamilya na nagda drugs, huwan kayong gagawa ng makakasira sa inyong sarili, ayusin ninyo ang inyong buhay at mag-aral kayong mabuti.” Pinayuhan din niya ang mga magulang na palakasin ang pamilya sa pamamagitan ng paglalaan ng isang araw na dating time para sa kanilang dalawa at family day upang magkaroon ng quality time sa kanilang mga anak.

Binigyang diin niya na mahalagang maipaalam o ma educate ang mga mamamayan lalo na sa mga kabataan sa masamang epekto ng droga.
Bilang kinatawan ng guest speaker na si PNP Chief Ronald “Bato” De la Rosa, binasa ni Deputy Provincial Director for Administration Police Supt. Renato Cantos Mercado ang mensahe ng police chief.
“The Illegal drug problem is a menace, a cancer of society. Illegal drugs drain our resources, create outlaws, and spawn the growth of illicit activities, and worst of all, these waste human lives,” sabi ni De la Rosa.

“The struggle against the evil drugs will remain a most difficult task given the scenario of widespread poverty, growing population, urbanization, loss of family values, and the rise of a materialistic society. However, with the cooperation of the different sectors of society, keeping their bond together, we will surely win the battle against it,” sabi niya
“Sa ating mga kabataan na siyang pag-asa ng bayan, hangad namin na maging mulat kayo sa masamang dulot ng paggamit o pagbebenta ng ilegal na droga. As early as now, we want to educate you on the perils of illegal drugs.”
Iniulat ni Pol. Supt. Mercado na 90% ng nasa drug watch list sa Batangas Province ang nahuli nila at ngayon ay nasa ilalim na ng rehabilitation kung saan kasama rito ang spiritual renewal at physical fitness Sa buong probinsiya, isa ang San Luis na nadeclared ng drug-free municipality ayon sa kanya.

Sa kanyang welcome remarks, sinabi naman ni City Health Officer Rosanna Barrion na kailangan ng lahat ng stakeholders na magkaisa at magtulungan upang matugunan hindi lamang ang kalusugan ng mga kabataan kundi upang magabayan sila sa kanilang paglalakbay tungo sa magandang kinabukasan.
Tinalakay ni Batangas City PCI Jose O. Naparato Jr., deputy chief of police, ang tungkol sa Drug Awareness and Prevention kung saan ipinaliwanag niya ang mga uri ng illegal drugs, ang mga dahilan ng paggamit nito at epekto sa isang user at ang mga dapat gawin upang maiwasan ito. Ipinakita rin ang larawan ng mga foreign celebrities na naging biktima ng droga.
Naging facilitator naman sa U4U Teen Trail si Harold David ng POPCOM kung saan tinuruan ang mga bata kung papaano haharapin ang mga nabanggit na problema sa pamamagitan ng mga activities gamit ang film showing, videoke, pagsasayaw at iba pa.
Upang magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga concerns ng mga kabataan o kung gustong humingi ng tulong sa kanilang mga problema, ang isang teen-ager ay pwedeng mag access sa w w. U4U.ph.

ANGELA J. BANUELOS PIO BATANGAS CITY