Medical Mission sa Poblacion 24 sa administrasyon ni Pangulong Florie Antenor isinagawa

  medical.jpg medical2.jpg

May 1,000 residente ng Poblacion 24 ang nakinabang sa medical mission at sa iba pang serbisyo ng pamahalaang lungsod na isinagawa dito kung saan ang proyektong ito ay isinasagawa sa naturang barangay dalawang beses isang taon sa administrasyon ni Pangulong Florie Antenor..

Ayon sa kanya, mas madaming libreng serbisyo ang kanilang naipagkaloob ngayon, dahil bukod sa libreng check -up, bunot ng ngipin at mga gamot, mayroon ding libreng ECG test, FBS test at check-up ng mata. Tumanggap din ng application para sa Senior Citizen’s (SC) ID card, EBD Healthcard at Scholarship Programs.
Nakiisa dito si SC Federation President Vilma Abaya Dimacuha na sya mismo ang sumagot sa mga katunangan at nagpaliwanag sa mga programa at benepisyo ng senior citizens.

Nagpasalamat si Pangulong Antenor sa napaka laking suporta nina Mayor Beverley Dimacuha at Cong. Marvey Mariño upang maihatid ang mga programa ng pamahalaang lokal sa kanyang barangay.

Ipinaabot rin niya ang pasasalamat kina Cong. Rannie Abu, Kon. Oliver Macatangay at mga kasamahang pangulo. (marie v . lualhati)