First 100 Days of Mayor Beverley A. Dimacuha

  100days_1.jpg 100days_2.jpg 100days_3.jpg 100days_4.jpg 100days_5.jpg 100days_6.jpg 100days_7.jpg 100days_8.jpg

Edukasyon, kalusugan, kabuhayan, pagtulong sa mga mahihirap at isang pamahalaang tumutugon sa mga mahahalagang aspeto ng serbisyo publiko ang inilahad ni Mayor Beverley Dimacuha sa kanyang First 100 Days.

Ginanap ang pag-uulat na ito sa Batangas City Convention Center kung saan nagdaos ng flag ceremony ang mga city government employees at dinaluhan ng mga city at barangay officials, iba’t ibang ahensya, institusyon, business groups, mga schools, non-government organizations at iba pang sektor.

Isa sa mga pagbabagong ipinatupad niya ay ang Action Center upang agad matugunan ang mga reklamo, problema at hinihiling na mga tulong ng mga higit na nangangailangan. Sa pamamagitan ng Action Center na ito, nakapagproseso ng 6,211 scholarship applications at nakapagbigay ng 5,000 educational assistance sa mga karapatdapat ng estudyante. Nagkaloob ng EBD healthcards sa 1,362 beneficiaries., nakapagbigay ng P965,000 para sa burial assistance ng 136 na taong humingi ng tulong at P1.2 million para sa medical assistance ng 154 pasyente.

Ipinatupad din niya ang “Bagong Sigla” reforms sa Colegio ng Lungsod ng Batangas upang ma promote ang academic excellence at maging higit na competitive ang kolehiyo. Binigyang pagkakataon din niya ang mga city government employees na nais tapusin ang kanilang college education na makapag-aral ng libre sa gabi sa Colegio ng Lungsod ng Batangas sa pamamagitan ng programang Executive Class. Sinigurado rin niyang may sapat na gamot sa City Health Office para sa mga may sakit. “Ang atin pong mga maysakit na kababayan sa bukid ay hindi kailangang bumaba dito sa bayan dahil pwede po kayong mag request sa inyong barangay officials na sila na ang kumuha ng gamot para sa inyo.” Mayroon ding Dental Bus na pwedeng magdala ng dental services sa mga barangay. Sa darating na mga araw ay magkakaroon ng karagdagang ambulansya para sa emergency.

“Patuloy na humahanap ang inyong lingkod ng mga paraan upang maibsan ang trapiko lalo na sa oras ng uwian.” Bumuo ng mga apprehension groups upang tutukan ang mga traffic violations at ipinatupad ang no- contact-apprehension policy. Upang maging ligtas ang mga kalsada, nagdagdag ng mga LED street lights sa poblacion, sa diversion at access roads. Sa loob ng ilang araw, maglalagay ng mga road studs sa diversion road upang mabawasan ang aksidente rito. Nakapaloob sa inaprubahang Batangas City Annual Investment Program for 2017 na inidorso ng City Development Council sa Regional Development Council ang malapit ng ipatupad na construction ng STARtoll-Pinamucan By-Pass Road at iba pang infrastructure projects na inaasahang magpapaluwag ng trapiko sa lungsod.

Ang enhanced Business Permit and Licensing Office ay pwede ng magproseso ng business permit sa loob ng 30 minuto upang maging mas maalwan ang pagnenegosyo sa lungsod. Ini waived na rin ang business occupancy permit para sa mga maliliit na negosyo. Kasabay ng ease of doing business ay ang masugid na inspeksyon ng mga business establishments na ginagawa ng Disclosure and Revenue Inspection Team (DRIT) at ang intensified collection ng business taxes, fees at iba pang charges kung kayat nagkaroon tayo ng pagtataas sa koleksyon mula P133.4 million noong September 2015 hanggang P176.6 million nitong September 2016 o increase na P43.2 million. Lumaki rin ang collection ng city’s revenue ayon sa report ng City Treasurer’s Office mula sa real property tax-General Fund at RPT-SEF at business taxes mula P292.8 million noong September 2015 hanggang P413.4 million ngayong September 2016 o increase na P120.6 million.

Sa agrikultura,15 motorized banca at lambat ang naipamigay sa mga maliit na mangingisda para sa kanilang hanapbuhay at may 38 indibidwal ang naging beneficiaries ng swine dispersal project. Nakapagsagawa rin ng livelihood training sa mahigit 300 participants. Sa ilalim ng food security program, namahagi ng 6,532 sachets ng vegestable seedlings at 3,500 sachets ng fruit seedlings sa mga magsasaka. Lalo pang pinalakas ang disaster preparedness capability ng lungsod sapagkat prayoridad din ni Mayor Beverley ang pagkakaroon ng sustainable at resilient city. Tinugunan ang ilang mga reklamo sa flooding kaya nagpagawa ng drainage sa Carpio road, Sitio Kalesahan sa Barangay Sta. Rita at earth canal na kumunekta sa PPA canal upang masolusyunan ang pagbaha sa Barangay 21. Ipinagawa rin ang retaining wall sa Sitio Suha at Sitio Tulo sa Barangay Sto. Domingo at ang seawall at protection dike sa Barangay Wawa. May mga earthquake at fire safety drills ding isinagawa ang City Disaster Risk Reduction Management Office. Malaki ang nagawa ng binuong Special Operation Team(SPOT) sa agarang cleaning at clearing ng kapaligiran lalo na ang mga risk areas, pag-aalis ng bara sa mga kanal at pag ti trim ng mga punong-kahoy na maaaring magdulot ng panganib lalo na ngayong tag-ulan.

Sa infrastructure, ang mga naipagawa ay ang sumusunod: concreting ng 10 barangay roads, rehabilitation ng 13 barangay roads, improvement ng City Cemetery, construction ng 1-storey 4-classroom school building, 1 covered court, 1 day care center, 3 multipurpose covered courts at 4 na waterworks. Sinisimulan na ang construction ng isang parking building sa City Hall complex para sa mga may transaksyon sa City Hall. Nagsagawa rin ng improvement ng Don Julian Pastor Memorial Market o Bagong Palengke hindi lamang para sa kapakanan ng mga nagtitinda kundi ng mga mamimili kagaya ng pagpapaayos ng bubong ng meat,egg at chicken station. Mas malinis na rin ang palengke at maayos ang parking.

Upang mapalawak ang internet connectivity, mayroon ng libreng wi-fi sa pakikipagtuwang sa Globe Telecom sa ilang mga public places kagaya ng City Hall, City Library, Colegio ng Lungsod ng Batangas, Plaza Mabini at Grand Terminal. Pino promote na rin ang ang electronic o online payment upang maging mas convenient ang pagbabayad ng mga taxes at fees. Nagkaroon na din ng initial negotiation ang City ENRO sa USAID B-LEADERS, Meralco at Sunpower para sa implementation ng Hybrid Electrification Project sa Isla Verde sa pamamagitan ng solar at biomass generation.

Upang mapangalagaan ang ating kapaligiran at kalikasan, patuloy ang ating Mangrove Rehabilitation and Reforestation Program upang maproteksyunan ang ating mga coastal barangays laban sa storm surge at mapanatili ang ecological balance. Nakapagtanim ang City ENRO ng 5,000 species ng mangrove at nipa sa may Calumpang River, Barangay Cuta, Wawa, Malitam, Tabangao at Sta. Rita. Ang OCVAS ay nakapagtanim ng 4,000 pieces ng mangrove propagules sa Wawa, Cuta at Isla Verde.

Malaking suporta din ang ibinigay ng pamahalaang lungsod sa Oplan Tokhang ng Batangas City Police laban sa ilegal na droga kung saan 605 drug pushers at 2,485 drug users ang sumuko mula July hanggang September.”Hindi po sa pagsuko natatapos ang pagbabago kaya naman po patuloy ang suporta natin sa reformation advocacy for drug surrenderers o BRAD,” sabi ni Mayor Beverley. May mga drug symposium na naisagawa sa 15 barangay at sinimulan na ang Drug Abuse Resistance Education para sa mga elementary at high school students. Magbibigay ng karagdagang sasakyan at bikes ang pamahalaang lungsod sa kapulisan upang makatulong sa police operation. Nakapagkaloob din ng libreng land titling sa may 30 beneficiaries. “In the next 995 days, we will be upgrading the city government of Batangas. There is much work to be done,” sabi ni Mayor Beverley.