Mr. and Ms. Colegio ng Lungsod 2016

  CLB-Foundation-Day1.jpg CLB-Foundation-Day10.jpg CLB-Foundation-Day11.jpg CLB-Foundation-Day12.jpg CLB-Foundation-Day13.jpg CLB-Foundation-Day14.jpg CLB-Foundation-Day15.jpg CLB-Foundation-Day2.jpg CLB-Foundation-Day3.jpg CLB-Foundation-Day4.jpg CLB-Foundation-Day5.jpg CLB-Foundation-Day6.jpg CLB-Foundation-Day7.jpg CLB-Foundation-Day8.jpg CLB-Foundation-Day9.jpg

BATANGAS CITY- Nahirang na kaunaunahang Mr. and Ms. Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) Foundation sina Arlene Gutierres at Efren Manalo Jr. pawang Business Administration student sa 2016 search na idinaos kaugnay ng pagdiriwang ng 10th foundation anniversary ng CLB noong November 9 sa Batangas City Sports Coliseum.

Sa mensaheng binasa ng kanyang kinatawan na si Abegail Abendan ng Local Economic and Investment Promotion Office, ipinaabot ni Mayor Beverley Dimacuha ang kanyang pagbati sa pamunuan ng CLB sa matagumpay na pagbibigay ng mataas na kalidad ng edukasyon sa mga kabataang higit na nangangailangan at sinabing ipagpapatuloy niya ang sinimulan ng kanyang ama na maiangat at mapahusay pa ang kalidad ng edukasyon sa lungsod.

Ayon naman kay Dr. Feliciana Adarlo, Vice president for Academic Affairs, ang pag pili ng Mr. & Ms CLB Foundation ay upang maipakita ng mga mag-aaral ang kanilang talento at magkaroon ng representante ang colegio sa ibang competition. Nakuha rin ni Gutiirrez ang mga awards na Best in Uniform, Best in Talent, People Choice Award at Best in Production Number.

Nakuha naman ni Manalo ang Best in Production Number at Best in Casual Wear. Naging 1st runner- up sina Joverth Marlou Almazan at Julie Ann Florez; 2nd runner-up sina Nick Aldrin Lacaba at Angelica Candava; 3rd runner-up sina Alfredo Caya at Lovely Delgado; at 4th runner-up sina Christopher Solomon at Christine Ebreo.

Nagtanghal ang CLB Performing Arts bilang intermission number. Ang tema ng CLB Foundation Day 2016 ay “Bagong Sigla sa Panibagong Dekada”. (PIO Batangas City)