Hanap buhay para sa mga kababaihan layunin ng OCVAS.

  OCVAS1.jpg OCVAS10.jpg OCVAS11.jpg OCVAS12.jpg OCVAS13.jpg OCVAS14.jpg OCVAS15.jpg OCVAS16.jpg OCVAS17.jpg OCVAS18.jpg OCVAS19.jpg OCVAS2.jpg OCVAS20.jpg OCVAS3.jpg OCVAS4.jpg OCVAS5.jpg OCVAS6.jpg OCVAS7.jpg OCVAS8.jpg OCVAS9.jpg

May 234 kababaihan sa Batangas City ang nagtapos sa Barangay-based Livelihood Training Program ng Office of the City Veterinarian and Agricultural Services (OCVAS) na isinagawa mula Enero hanggang Nobyembre ng taong ito.

Ilan sa mga pagsasanay na itinuro sa kanila ay ang cooking, baking, meat processing, candlemaking, soap and personal care products, rugmaking at dressmaking.

Nagkaroon din ng kompetisyon sa pagitan ng mga magsisipagtapos mula sa 12 barangay sa paggawa ng buchi at puto at pagtahi ng uniform (blouse at skirt).

Nanalo sa paggawa ng buchi at puto ang mga kababaihan ng barangay Dumantay at si Elisa Hernandez ng barangay Soro-soro Ibaba naman ang nagwagi sa paggawa ng uniform.

Binigyang puntos sa pagluluto ng mga native delicacies hindi lamang ang lasa at kalidad, kundi ang presentation, kalinisan at kaayusan habang sa pananahi, ay tiningnan ang disensyo, worksmanship at neatness ng tahi.

Ayon sa mga participants, magandang pagkakitaan ang paggawa ng mga kakanin na itinuro sa kanila sa naturang pagsasanay kung kaya’t ang ilan sa kanila ay gagawin itong negosyo.

Si Aling Anastacia Culla,, asawa ng Pangulo ng barangay Banaba Center na si Nestorio Culla ay gagamitin ang natutunan sa personal na pangangailangan ng pamilya.

Ang barangay-based livelihood training ay pinangasiwaan ng Home Extension Division ng OCVAS.(PIO Batangas City)