Mga batang Bajau kinakalinga ng pamahalaang lungsod

  CSWD1.jpg CSWD2.jpg CSWD3.jpg CSWD4.jpg CSWD5.jpg CSWD6.jpg CSWD7.jpg

Sa pamamagitan ng story telling at film viewing, naipaalam ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa may 180 kabataang Bajau na nakatira sa lungsod ang kanilang mga karapatan tulad ng makapag-aral, matutunan ang magandang asal, kaugalian, kalinisan at ang kanilang mga responsibilidad at pananagutan tulad ng mag-aral ng mabuti at maging masunuring mamamayan ng komunidad.

Ang pagbibigay ng edukasyon sa mga batang Sama-Bajau ang isa sa mga gawain ng CSWDO sa pagdiriwang ng Children’s Month Celebration ngayong Nobyembre sa programang ginanap sa Plaza Mabini sa kasama ang DSWD Region IV-A.

Naging bahagi rin ng programa ang “Ako sa aking Pamayanan” Art Work at ang “Body Mapping” Workshop kung saan ipinadama sa mga bata ang kanilang halaga at papel na dapat gampanan sa lipunang ginagalawan.

May 365 pamilyang Bajau o mahigit sa 1,000 indibidwal ang nakatira sa lungsod kung saan sila ay nakikinabang rin sa ilang programa ng pamahalaang lungsod kagaya ng EBD Scholarship , EBD Healthcard at livelihood training.

Nagpatayo rin ang pamahalaang lungsod ng Early Childhood Care and Development Center at Activity Center sa Bajau community, sa brgy. Wawa. Ilan sa mga batang Bajau ay tumatanggap rin ng P2,000 educational assistance mula sa DSWD Region lV-A, ang iba naman ay beneficiaries ng Pantawid Pamilya Program, Modified Conditional Cash at Food Work Programs.

Subalit kahit may mga programa ang pamahalaang lungsod na tumutulong sa mga cultural minorities na ito upang maging kapakipakinabang na mamamayan at makatanggap ng serbisyo kagaya ng ibang miyembro ng pamayanan, marami sa kanila ang nanatiling maglilimos sa kalsada at marumi sa kanilang mga katawan sapagkat ito ang kultura at uri ng pamumuhay na kanilang nakagisnan. (PIO Batangas City)