DTI Diskwento Caravan, isinagawa

  DTI1.jpg DTI2.jpg DTI3.jpg DTI4.jpg DTI5.jpg DTI6.jpg DTI7.jpg DTI8.jpg DTI9.jpg

Nagdaos ng Diskwento Caravan ang Department of Trade and Industry (DTI) noong ika- 11 ng Enero sa Activity Center ng Caedo Commercial Center sa Calicanto, Batangas City.

Ito ay bunsod ng pagkakadeklara ng lalawigan ng Batangas sa ilalim ng state of calamity dulot ng bagyong “Nina” noong December 26.

Ayon kay DTI Provincial Director Marissa Argente, mandato sa kanilang kagawaran ang magsagawa ng ganitong proyekto sa mga lugar na lubhang nasalanta ng kalamidad.

Bagamat hindi gaanong naapektuhan ang lungsod, di tulad ng bayan ng Lobo at Tingloy, dito nila napiling isagawa ang caravan dahil sa ito ang pinakamalapit sa dalawang bayang ng nabanggit.

Ang mga pangunahing bilihin kagaya ng gatas, kape, asukal, itlog, instant noodles, de lata, mantika, toothpaste, detergent bars, sabon, diaper at maging frozen goods ang ilan sa mga paninda sa presyong pang-wholesale.

Katuwang ng DTI ang Citimart sa naturang proyekto.(PIO Batangas City)