- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Maganda ang kita mula sa pagmamasahe at reflexology
- Details
- Wednesday, 05 April 2017 - 2:01:21 PM
Isa sa magandang pagkakitaan kahit ikaw ay nasa bahay lamang ay ang pagmamasahe at reflexology kayat isang basic training tungkol dito ang isinagawa ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services Office(OCVAS) kung saan may 70 participants ang nakinabang.
Sumailalim sila sa pagsasanay ni Alvin Oriondo, massage trainor mula sa Roxas Foundation Inc. sa Nasugbu, Batangas. Itinuro niya ang therapeutic massage at reflexology na nakaka improve ng health condition at blood circulation.
Sa reflexology, kinakailangang alamin ang ibat-ibang points ng paa at kamay na konektado sa mga bahagi ng katawan kung saan ang mga ito ay pini press o minamasahe upang gumanda ang kondisyon ng apektadong bahagi ng katawan.
Magandang pagkunan aniya ng pagkakakitaan ang pagmamasahe at masasabing ang mga masahista ay isa sa malalakas kumita ngayong nauuso ang mga spa at wellness center. Kahit sino ay maaaring sumubok nito bastat physically fit.
Kahit nasa bahay lamang, maaari itong pagkakitaan sa pamamagitan ng paggamit ng social media upang makakuha ng mga customer.
Ayon kay Aling Precy Bacal, 57 taong gulang, sa kanyang edad ay interesado pa din syang matuto ng reflexology at hangad niya na sa hinaharap ay magamit upang pagkakitaan ang kanyang natutunan.
Payo niya na magkaroon ng magandang attitude at dedikasyon sa trabaho upang mas mapalago ang larangang ito. Dapat ding magkaroon ng tiwala sa sarili at maniwala na sila ay mga instrumento ng Diyos upang makapagpagaling ng karamdaman.
Kabilang sa mga nagtapos at tumanggap ng certificates sa pagsasanay ang mga residente ng barangay Dumantay, ilang Instructional Managers at mga estudyante ng Alternative Learning System (ALS) kung saan maaari nilang magamit ito sa pag-aaplay sa trabaho. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.