BSU ipinakita ang kahandaan sa earthquake drill

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY-Naging maayos at organisado ang paglahok ng Batangas State University sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng lokal na pamahalaan.

Ganap na 2:00 ng hapon nfg tumunog ang sirena hudyat ng pagtama ng malakas na lindol. Naglabasan ang mga lumahok na college students mula sa kanilang mga classrooms sa tatlong gusali ng naka duck, cover and hold papunta sa malawak na evacuation area sa harapan ng unibersidad.

Mayroong Command Post, Incident Commander at Firsr Aid Station kung saan sa pamamagitan ng isang narrator ay naipaliwanag ang mga hakbang upang maging maayos ang pagresponde sa lindol.

Ayon kay Dr. Tirso Rongquillo, presidente ng Batangas State University, “ang gawaing ito ay naglalayong mapaigting ang antas ng kahandaan ng mga komunidad. Dahil dito, ang paghahanda at pagsasagawa ng mga progresibong hakbangin upang mapababa ang posibleng epekto ng isang malakas na pagyanig ay kailangan upang masigurado ang kaligtasan ng mga mamayan ng Batangas City, lalo na ang mga taga Batangas State University.

Sinabi naman ni Fire Marshall Glen Salazar ng Batangas City Bureau of Fire Protection9 na isa pang layunin ng pagsasanay na ito ay ang pagtuturo ng tamang paggamit ng mga resources at ang mabilisang deployment ng mga kinauukulan.

Sa isang scenario, may isang biktima na na trapped sa fourth floor ng building kung saan iniligtas ito ng mga rescuers sa pamamagitan ng lubid at spine board na kung tawagin ay singaporian relay at victim under rescue o roof rescue. Sa isa pang scenario ay nagkaroon ng sunog at ipinakita kung papaano ito susugpuin sa pamamagitan ng tamang paggamit ng fire extinguisher.

Nagpasalamat ang pamunuan ng Batangas State University sa pamahalaang lungsod ng Batangas sa suportang ibinigay sa kanila upang makapagsagawa ng earthquake drill na ito sa pakikipagtulungan ng Office of Civil Defense, City Disaster Risk Reduction Management Office, PDRRMO, BFP, Batangas City PNP at Philippine National Red Cross Batangas Chapter. (PIO Batangas City)