Trabaho para sa Batangueño

  trabaho1.jpg trabaho10.jpg trabaho11.jpg trabaho12.jpg trabaho2.jpg trabaho3.jpg trabaho4.jpg trabaho5.jpg trabaho6.jpg trabaho7.jpg trabaho8.jpg trabaho9.jpg

BATANGAS CITY- May 41 aplikante ang hired on the spot sa job fair ng Publlic Employment Service Office(PESO) noong July 15 sa Batangas City Sports Coliseum kung saan may 403 katao ang nag-apply sa may 30 international at local companies na lumahok dito.

Ang job fair ay isinasagawa tuwing ipinagdiriwang ang Batangas City Day sa layunin ng pamahalaang lungsod na makatulong sa mga naghahanap ng trabaho sa loob at labas ng bansa.

Isa sa mga lumahok na kompanya ay ang Peridot International Resources Inc. na nangangailangan ng skilled workers sa Kuwait, Oman, Brunei, United Arab Emirates, Doha-Qatar at Malaysia.

Ilan naman sa mga lokal na kompanya na naghahanap ng mga manggawa ay ang EPSON Precision (Philippines) Inc. na nangangailangan ng production operators at ilang hotel sa Batangas. (PIO Batangas City)