Malawakang pagpapagawa ng mga kalsada nakatakdang ipatupad

  cityroad1.jpg

Nakatakdang gawin sa isang taon ang ilang mga major roads sa lungsod kasama na ang asphalt overlay ng may 42 city roads sa poblacion at isang kalapit barangay kapag na release na ang natitirang P650 million sa P1billion- loan ng pamahalaang lungsod sa Land Bank of the Philippines.

Nauna ng binigyan ng go-signal ng Land Bank ang staggered release ng P350 million para sa construction ng Calumpang bridge 3.

Sa ngayon ay temporary patching sa mga lubak lubak na karsada ang ginagawa ng pamahalaang lungsod upang maibsan ang hirap ng mga motorista habang inihahanda naman ang mga legal requirements ng bangko para ma release ang pondo na gagamitin sa permanenteng pagsasaayos ng mga kalsada.

Ayon kay Atty. RD Dimacuha, chief of staff ni Mayor Beverley Dimacuha, “sadyang pansamantalang solusyon o temporary measure po ito habang inihahanda ang mga mas permanenteng program of work na mas maraming legal requirements sa ilalim po ng Republic Act No. 9184 o Procurement Law.”

Inaasahan na masusunod ang timeline of activities na inihanda ng City Engineer’s Office kung saan sinasabi na ang evalution/approval/processing of release of loan sa Batangas City ay sa December ng taong ito.

Ang mga road projects na gagawin ay ang DJPMM at Cuta Road, DJPMM Access Rd hanggang Delas Alas, BIR Rd, P. Hererra, Kumintang Ibaba simula Calumpang Bridge No.3 hanggang P. Hererra St., Gulod Labac Road mula sa Calumpang Bridge No.3 hanggang National Rd at ang may 42 kalye sa Poblacion kasama ang ilang mga kalsada sa Kumintang Ibaba kagaya ng sa Hilltop at Roxas Road. Kasabay ng mga ito ay ang konstruksyon ng City Engineer’s Office Phase 2. Tinatayang aabot sa P344,021,000.00 ang halagang gugulin para sa mga nabanggit na proyekto.

Nagpasa ng Resolution No. 190 s. 2017 ang Sangguniang Panlungsod na nagbibigay ng awtorisasyon kay City Mayor Beverley Rose Dimacuha na i charge ang halaga ng iba’t ibang city projects sa nasabing P650 million-stand-by term loan agreement sa Land Bank. (PIO Batangas City)