- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Mga kooperatiba tumanggap ng awards
- Details
- Monday, 18 December 2017 - 5:23:00 PM
Umani ng awards nitong huling quarter ng 2017 ang mga kooperatiba sa Batangas City kumg saan malaki ang suporta ng pamahalaang lungsod at mahusay ang gabay at supervision ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services(OCVAS).
Bukod sa mga kooperatiba, napili ang Batangas City Cooperative Development Council (BCCDC) bilang Natatanging Coop Development Council sa buong probinsya ng Batangas.
Tinanghal na Outstanding Cooperative ang San Jose Sico Landfill Multi-Purpose Cooperative sa Small Category, provincial level, gayundin sa Cooperative Development Authority(CDA) Gawad Parangal sa small category sa regional at national level. Binigyan din sila ng CDA Special Citation for Exemplary Environmental Protection and Conservation Program, National Level.
Ayon sa chairman ng San Jose Sico Cooperative na si Rex De Guzman, ang kanilang kooperatiba ay naniniwala na may pera sa basura. Isa din aniya sa itinuturing niyang sikreto ng tagumpay nila ay ang magandang samahan ng kanilang grupo at kooperasyon ng kanilang mga myembro. Disyembre ng taong 2004 nagsimula ang operasyon ng kanilang kooperatiba. Sila ngayon ay may 400 myembro at P6 milyon kabuuang asset.
Nanalo naman bilang Outstanding Cooperative ang SIBBAP MPC sa Medium Category sa Provincial Level at sa CDA Gawad Parangal, Oustanding Cooperative -Medium Category, Regional Level. Tumanggap din sila ng CDA Special Citation Remarkable Coop Solidarity and Partnership Program sa National Level. Regional Winner ang grupo sa Productivity Olympics- Service Category, Micro Category ng DOLE.
Tinanghal na Outstanding Coop Leader sa Provincial Level, CDA Regional Level at CDA Gawad Parangal National Level si Angelito Bagui ng SIDCI Development Cooperative.
Cub Ambassador 2017 naman si Christian Carrera ng ZOE Credit Cooperative habang Cub Ambassadress naman si Bibie Gel Famarin ng SIDC Development Cooperative.
Regional Winner sa Productivity Olympics, Service Category, Micro Category ng DOLE ang San Isidro MPC.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.