- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Relocatees ng barangay Simlong nakinabang sa electrification project ng Meralco Foundation
- Details
- Friday, 18 May 2018 - 4:25:03 PM
May 67 kabahayan ng Sitio Pook New Village sa Barangay Simlong ang nakinabang sa Relocatees and Informal Settlers Electrification (RAISE) project ng One Meralco Foundation sa pakikipagtulungan at ugnayan ng Meralco Batangas at ng pamahalaang lungsod.
Isinagawa ang lighting ceremony noong May 17 sa basketball court ng barangay Simlong kung saan dumalo sina Mayor Beverley Rose Dimacuha, Congressman Marvey Mariño, Batangas Meralco officials, Pangulong Rudy Mendoza at iba pang barangay officials.
Ayon kay Ms. Corazon Pilapil, manager ng Meralco Batangas Business Center, ang proyektong ito ay “patunay ng maganda, maigting at malalim na samahan ng city government at Meralco na lalong tumibay ng lumagda tayo sa memorandum of understanding noong Abril ng 2017.”
“Kagaya nga ng sinasabi ng ating CEO Manny Pangilinan, ang Meralco ay may mahalagang responsibilidad sa komunidad. Hindi lamang kami supplier o distributor ng kuryente. Nais naming ipakita sa inyo na kami ay handang tumugon at sumuporta sa mga pangangailangan at layunin sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat, ligtas, maaasahan at tapat na paglilingkod. Ang Meralco ay kabahagi ng inyong buhay, kaagapay ng inyong pag-unlad para sa mas maliwanag na bukas.
Binigyang diin naman ni Mayor Dimacuha na sa pamamagitan ng partnership ng pamahalaang lungsod at ng Meralco, palapit ng palapit tayo sa layuning paliwanagin ang mga barangay ng lungsod. “Sana po ay mapasama na ang Isla Verde,” dagdag pa ng Mayor.
Pinasalamatan ni Congressman Mariño ang lahat ng tumulong upang maisakatuparan ang proyektong ito at sinabing ito ay magandang halimbawa ng pagtutulungan. Binanggit din niya ang ibayong kaunlaran na maasahan sa pagdami ng investors sa lungsod at ang dala nitong trabaho at paglago ng ekonomiya lalo na sa implementasyon ng Startoll-Pinamucan diversion road. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.