- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Kahulugan ng Sto. Nino sa mga bata ipinakikita sa Children’s Art Competition
- Details
- Wednesday, 09 January 2019 - 4:17:00 PM
BATANGAS CITY-Sa mata ng mga bata, ang Sto. Nino ay may espesyal na kahulugan base sa kanilang pananaw at values sa buhay at ito ay makikita sa taunang Children’s Art Competition ng itinataguyod ng pamahalaang lungsod sa pangangasiwa ng Cultural Affairs Committee at sa pakikipagtuwang ng SM City Batangas.
Ang likha ng 12 taong gulang na si Kristine Garcia, grade 6 student ng Sta Rita Elementary School, ang nagwagi ng unang pwesto sa patimpalak na ito na ginanap sa Teachers Conference Center ngayong ika-9 ng Enero.
Ang pagmamahalan sa pamilya ang mensahe ng winning piece ni Garcia na akma sa temang “Higit pa sa ginto ang maibibigay ko sa Sto Nino”. Tumanggap siya ng cash prize na P5,000 at gold medal.
Nagsilbing coach/trainor ni Garcia ang kanyang gurong si G. Efren Guinoban.
Ikalawang pwesto naman ang nakamit ni Elysa Macaraig ng St Bridget College, at 3rd prize si Empress Elerie Delgado mula sa Alangilan Central School.
Gamit ang oil pastel at illustration board, dalawang oras ang ibinigay sa 54 na kalahok mula sa public at private schools upang makalikha ng artwork.
Naging batayan sa pagpili ng mga nagwagi ang “ relevance of the content to the theme, lay-out and presentation and originality.”
Ayon sa mensahe ng vice chairman ng Cultural Affairs Committee na si Eduardo Borbon, ang nasabing kompetisyon ay hindi lamang kaugnay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Patrong Sto Nino, ito din aniya ay upang maishowcase ang talent ng mga kabataan sa pagguhit.
Ang paggagawad ng parangal ay ginampanan ni Secretary to the City Mayor Reginald Victor Dimacuha.
Nagsilbing hurado ang mga visual artists na myembro ng Grupo Sining Batangueno na sina Loriel Castillo ng Bauan, Joseph Albao ng Padre Garcia at ang Chairman ng Board of Judges na si Aquilino Acasio ng Lemery.
Pinayuhan ni Acasio ang mga batang artists na palagiang magpractice at gumamit ng makabagong teknolohiya partikular sa pamamagitan ng internet tulad ng you tube upang higit na mapalawig ang kanilang kaalaman at ma “enhance” ang angking husay sa pagguhit.
Pagkatapos ng kompetisyon ay nagbigay ng demonstration ang mga hurado sa paggawa ng artwork sa feltpaper na syang gagamiting materyales sa pagguhit sa Children’s Art competition sa susunod na taon.
Ang mga paintings ay ieexhibit sa SM City Batangas lobby mula January 12 hanggang 16, 2019. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.