Fiberglass boats ipinamahagi sa mga mangingisda

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg


Limang fiberglass boats ang ipinagkaloob ng Fisheries Division ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS), January 11, bilang tulong sa hanapbuhay ng may apat na mangingisda habang ang isa ay gagamitin ng Bantay Dagat sa kanilang operasyon.

Ang pamimigay ay pinangunahan ng hepe ng OCVAS na si Dr. Macario Hornilla at hepe ng Fisheries Division na si Gerardo Peralta sa baybayin ng barangay Sta Clara.

Ang mga beneficiaries ay mga miyembro ng San Antonio, San Agustin Kanluran, at Dela Paz Proper Fishermen Associations, Pagkilatan Barangay Fisheries Management Council at Bantay Dagat Cluster 1.

Binigyan din ng mga kagamitan kagaya ng Canon underwater camera at Global Positioning System (GPS) gadget ang Bantay Dagat Clusters 1,2, at 3 upang gamitin sa kanilang monitoring operation sa mga coastal barangay.

Ang mga fibreglass boats ay magandang gamitin sa karagatan sapagkat ito ay madaling i maintain, mas magaan dalhin sa dagat, at madaling i repair. (PIO Batangas City)