- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Ilang coastal barangay may best practices sa pangangasiwa ng basura
- Details
- Friday, 11 January 2019 - 5:17:00 PM
Naging positibo ang resulta ng pangalawang bahagi ng monitoring ng KA-BRAD Team Solid Baybay cluster coordinators o composite team ng mga empleyado ng pamahalaang lungsod sa pinalakas na information/education campaign sa waste segregation at plastic ban sa 13 coastal barangay.
Ang naturang kampanya ay bilang pagtalima sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000 sa pangangasiwa ng City ENRO at City Solid Waste Management Board.
Sa kanilang paglilibot, nakita ng monitoring team na karamihan sa mga barangay ay naghukay ng compost pit at nagtayo ng mga Materials Recovery Facility o MRF sa bawat sitio habang ang ilang households ay nagtayo nito sa kanilang mga bakuran.
Napag-alaman din nila ang best practices ng ilang mga barangay kung saan nakapagbuo sila ng kanilang epektibong sistema ng pamamahala ng basura.
Sa management plan ng barangay Ambulong, ipinag-uutos ng barangay chairman ang paggawa ng MRF at paghukay ng compost pit sa bakuran ng lahat ng barangay officials at ng kanilang staff sa barangay hall.
Number coding naman sa basurahan ang stratehiya ng barangay Ilijan kung saan merong number bawat basurahan na nakatalaga sa bawat household upang madaling malaman kung sino ang hindi segregated o hindi nakabukod ang basura sa nabubulok at hindi nabubulok.
Sa Pulot Itaas, lahat ng tindahan ay hindi na gumagamit ng plastic bilang pambalot ng paninda kundi fish net, ziplock, microwavable containers at dyaryo. Nagkabit din sila ng mga sako sa tabi ng karsada bilang MRF o basurahan.
Ang ilang barangay naman ay nagtalaga ng isang konsehal at isang tanod bawat sitio upang tingnan kung sumusunod ang mga kabahayan sa mga alituntuning ipinatutupad hinggil sa pangangasiwa ng basura.
Layunin ng Team Solid Baybay Coordinators na umabot sa 80% ng mga households sa bawat barangay ang makasunod sa waste segregation, plastic ban, pagkakaroon ng MRF at compost pit at maabot ang 40% na kabawasan sa hinahakot at itinatapon na basura kumpara noong nagdaang taon.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.