275 beneficiaries’ tumanggap ng tig P2, 400 unconditional cash transfer

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg


BATANGAS CITY- May 275 indibidwal ang tumanggap ng kanilang unconditional cash transfer (UCT) na tig P2, 400 mula sa Department of Social Welfare and Development Region 1V-A.

Ang pamamahagi ay isinagawa sa City Social Welfare & Development Office (CSWDO) noong March 8 kasabay sa pagdiriwang ng Women’s month.

Ayon kay Mila Española, hepe ng CSWDO, “ang ipinamigay nila ay yun tira na karagdagang benificiaries na hindi nakuha noong isang taon. Ibibigay nila ito ng buo sa mga taong sakop ng UCT program.

Sinabi naman ni Teodosia Atienza, social welfare officer IV ng CSWDO, sa 331 na nasa listahan na makakatanggap ng UCT, 56 dito ang hindi nakuha dahilan sa ang iba ay mga namayapa na at ang iba naman ay OFWs. Binanggit din niya na ngayong 2019, ang payout cash ay magiging P300 na kada buwan na makukuha sa pamamagitan ng ATM cash card sa Land Bank.

Saklaw din ng UCT ang mga pamilyang hindi makasabay sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa TRAIN law kabilang na dito ang beneficiaries ng 4Ps. Nasa P200 kada buwan ang ayudang itinakda ng batas pero nagdesisyon ang DSWD na ibigay na ang pang-buong taong ayuda na P2, 400.

Katuwang ng DSWD ang Land Bank of the Philippines na siyang nangangasiwa sa pag bibigay ng tulong pinansyal sa mga mas higit na nangangailangan.

Ayon naman sa mga beneficiaries, malaking tulong itong natanggap nila dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga biihin malaking bagay ito para matustusan ang iba pa nilang pangangailangan.

Ang mga nasa listahan na hindi pa nakakakuha ng kanilang UCT ay maaring bumalik sa April 10, 2019 sa CSWDO upang makuha nila ang kanilang UCT.