- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
NO CASUALTIES sa sunog sa barangay Sta. Clara
- Details
- Sunday, 07 April 2019 - 3:38:00 PM
Walang naitalang casualties sa naganap na sunog sa Sitio Ibaba, barangay Sta. Clara, April 6, ayon sa hepe ng Batangas City Bureau Of Fire Protection (BFP), FCInsp Elaine Evangelista na siya ring tumayong Fire Incident Commander (IC) ng binuong Incident Command System sa kanyang pag uulat matapos madeklarang fire out ito, 11:00 ng gabi.
Ayon kay Evangelista masusi nilang sinuri ang lugar ng sunog at wala silang nakitang casualties o palatandaan na may nasawi sa insidenteng ito.
Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog na nagsimula bandang 5:52 at tumupok sa may 100 kabahayan dito. Ito ay umabot sa 4th alarm kung kaya’t rumesponde ang mga fire trucks, ambulance at ibang pang response vehicles and equipment mula sa mga lungsod at bayan sa lalawigan ng Batangas at mga pribadong samahan.
Nakatulong sa pamamahala ng insidente si BFP Provincial Director, Farida Ymballa.
Kaagad na pumunta sa lugar ng insidente sina Cong. Marvey Marino at Mayor Beverley Dimacuha upang personal na alamin ang sitwasyon at nagbigay ng instruction sa mga kinauukulan para maisiguro ang kaligtasan ng mga residente at seguridad ng kanilang mga ari-arian.Binisita rin nila ang evacuation center sa Colegio ng Lungsod ng Batangas upang tiyaking maayos ang kalagayan ng mga evacuees dito.
Dumating din dito ang ilan sa opisyal ng lalawigan at lungsod ng Batangas.
Bukod sa Batngas City BFP naging mabilis rin ang responde ng mga miyembro ng Batangas City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) kagaya ng Batangas City PNP, City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) Transportation Management and Regulatory Office (TDRO) Defense Security Services (DSS), General Services Department, (GSD), City Health Office (CHO), City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Mayor’s Action Center (MAC), Public Information Office (PIO) at ilan pang tanggapan ng pamahalaang lungsod.
Mabilis din ang naging pagkilos ng mga barangay officials at residente ng Sta. Clara at mga karatig barangay. Rumesponde rin ang ilang mga pribadong ahensya.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.