- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Barangay Simlong kampeon sa Mayor's Cup 2019
- Details
- Wednesday, 29 May 2019 - 4:31:00 AM
Tinanghal na Mayor Beverley Rose A. Dimacuha Cup 2019 Inter-Barangay Basketball League - Junior’s Division champion ang Barangay Simlong matapos talunin ang karibal nitong Barangay Balete sa harap ng kanilang mga tagasuporta sa championship game na ginanap noong ika-29 ng Mayo sa Batangas City Sports Coliseum.
Naging mainit ang labanan ng dalawang koponan kung saan nakuha nila ang kampeonato sa score na 85-84 sa pamamagitan ng huling 3-point shot ni Carlo Del Mundo .
Nagwagi naman ng ikatlong pwesto ang barangay Sta Clara nang talunin nila ang Barangay Dumantay sa score na 134-87.
Nagsimula noong March 31 ang liga na nilahukan ng 29 teams mula sa ibat-ibang barangay at may players na edad 13 hanggang 19 na taong gulang.
Bukod sa mga medals at tropeo, tatanggap ang winning teams ng cash prizes na P20,000, P15,000, P10,000 at P5,000 ayon sa pagkakasunod-sunod.
Sa Midget Division naman naglaban ang barangay Calicanto at barangay Ambulong na pinagwagian ng huli sa score na 53-67. Mga kabataang edad 7 hanggang 12 taong gulang ang mga kalahok dito.
Ang Mayors Cup ay sinimulan noong 2001 sa pangunguna ni punong lungsod Eduardo B. Dimacuha na ang tanging layunin ay bigyang pagkilala ang kahalagahan ng sports sa buhay ng mga manlalarong Batangueno.
Nagbigay ng raffle items ang Asian Vision Cable Holdings Inc na lubos na ikinatuwa ng mga manonood.
Ang Mayor Beverley Rose A. Dimacuha Cup 2019 Inter-Barangay Basketball League ay sa ilalim ng pangangasiwa ng City Council for Youth Affairs (CCYA) at ng Batangas City Sports Council.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.