Native delicacies mabibili sa Haying Batangan sa Plaza Mabini

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY-Mabibili ngayon sa Plaza Mabini ang mga,kakanin, pastries, iba pang mga delicacies at mga gulay mula sa iba’t ibang barangay sa “Haying Batangan” isang food fair na binuksan ng pamahalaang lungsod noong July 13 at tatagal hanggang sa Batangas City Day sa July 23 sa layuning ma promote and mga lokal na produkto ng lungsod.

Ito ay pinamamahalaan ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) katuwang ang Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) sa lungsod at ang Office of City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS).

Pangunahing mabibili dito ang mga best sellers ng Winnie’s Food Product and Pasalubong kagaya ng maja ube, assorted sapin-sapin, de llanera meatloaf, special cassava cake, cassava cake with macapuno at iba pa.

Meron din ditong mga sweets at pastries na specialties ng KALIPI ng barangay Tingga Itaas. Ilan dito ay ang graham, choco crumble, cookies and cream, polvoron na gawa sa malunggay at ang bagong delicacy na pastilvoron o pastillas de polvoron.

Mga sariwang gulay naman ang itinintinda ng mga magsasakang beneficiaries ng SM Foundation Kabalikat sa Kabuhayan Rural Farmers’ Training Program. (PIO Batangas City)