50 personalidad at institusyon pinarangalan sa 50th anniversary ng Batangas City

Sa pagdiriwang ng 50th foundation anniversary ng Batangas City, sa July 23 ipinagkaloob ng pamahalaang lungsod ang Gawad Gintong Duyan 2019 sa 50 indibidwal at institusyon na naging bahagi ng kasaysayan, kaunlaran at karangalan ng lungsod sa loob ng 50 taong nakalipas.

Sa awarding ceremony na ginanap sa Batangas City Convention Center, July 16, kinilala at pinasalamatan ni Mayor Beverley Rose A. Dimacuha ang mga naunang opisyal na naging susi sa pagiging lungsod ng Batangas at sinabing “utang naming sa inyo ang lungsod ng Batangas na aming tinatamasa ngayon.” Pinasalamatn din niya mga anak at institusyon ng Batangas City na nagbigay ng dangal at kariktan sa lungsod sa pamamagitan ng kanilang galing at tagumpay sa kani kanilang larangan.

Pinarangalan sa larangan ng Public Service ang mga opisyal na nagsulong sa pagiging lungsod ng Batangas sa liderato nii Mayor Pedro Tolentino Sr, Vice Mayor Rustico Borbon at Sangguniang Bayan noong 1969, na binubuo nila Konsehal Sergio Atienza , Zoila Mendoza –ang dalawa na lamang na buhay pa sa konseho-, Edilberto Chavez, Liberato de Jesus, Pedrito Faytaren Sr, Romeo Hughes, at Victorino Tolentino.

Binigyan ng LIfetime Achievement Award si Mayor Eduardo Dimacuha habang kinilala naman sa Public Governance si Mayor Vilma Dimacuha at Vice Mayor Florencio de Loyola.

Isang malaking sorpresa naman kay Mr. Ed Borbon ang pagkakaloob sa kanya ng Gawad Gintong Duyan bilang pasasalamat sa kanyang malaking ambag sa pagpapayabong ng kultura at sining ng lungsod bilang vice chairman ng Cultural Affairs Committee.

Nagsilbing pagbabalik tanaw sa kasaysayan at pagsasama-sama ng mga nauna at kasalukuyang opisyal ng lungsod ang okasyong ito na dinaluhan hindi lamang ng mga awardees kundi ng kanilang mga pamilya.

Ang iba pang mga awardees ay ang mga sumusunod: Public Service-Sangguniang Panlungsod (2016-2019), Executive Judge Dorcas Ferriols-Perez, Ms. Emmanuela Gutierrez, Dr. Israel Pargas, Ms. Belen Perez, Ret. Justice Jose Perez ; Culture and Arts- Mr. Encarnito “Ito” Curata, Prof. Augusto Espino, Mr. Raul “Ariane” Gamboa, Mr. Lionel M. Guico, Ms. Aurea Ilustre, Ms. Jovita Araceli Mendoza, Ms. Marian Pastor Roces, Atty. Antonio A. Pastor, Mr. Leonardo Sanchez; Agriculture - Batangas City Corn Growers; Community Development- Sorosoro Ibaba Development Coopertive (SIDCI), San Jose Sico Multi-Purpose Cooperative; Cultural Heritage- Manunubli ng Talumpok Silangan; Education- Ms. Angelita Cruz, Ms. Luz Torio, Ms. Norma Ubaldo; Entrepreneurship- Babasa’s Pastillas, Edna’s Banana Chips, Nanay Aveling’s Mani, Nanay Sianang’s Pastillas, Pakaskas ng Brgy. ; San Agapito, San Wanam Restaurant; Environment- Brgy. 5 – Clean and Green Sustainability; Health Services- Brgy. Conde Itaas for Outstanding Barangay Nutrition Program, Batangas Medical Center, Ms. Corazon Landicho, Dr. Libio Macatangay, Dr. Vicente Pastor, Dr. Romulo Rosales; Industry and Business Sector- Pilipinas Shell Petroleum Corp.; Military Service- Gen. Jose Aquino, Col. Danilo S. Atienza at Gen.
Andres Ramos; Religious Service –His Eminence Gaudencio Cardinal Rosales, Sr. Mary Lydia Ebora RGS; Social Service-Buklod Unlad ng Batangas Inc.; Sports- Mr. Ysrael Wilson Marasigan, Ms. Ivy Jisel Perez.

Bilang response ng mga awardees, sila ay kinatawan ng dating city at provincial official na si Atty. Florencio de Loyola na nagpasalamat sa “matagumpay at makasaysayang” okasyong ito. Kagaya aniya ng sinasabi ng True Decalogue ni Apolinario Mabini, na binabanggit tuwing ipinagdiriwang ang anibersaryo ng lungsod, una ay ang pagsamba sa Diyos at pangalawa ang paglilingkod sa bayan ang dapat isabuhay. (PIO Batangas City)

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 26.jpg 27.jpg 28.jpg 29.jpg 3.jpg 30.jpg 31.jpg 32.jpg 33.jpg 34.jpg 35.jpg 36.jpg 37.jpg 38.jpg 39.jpg 4.jpg 40.jpg 41.jpg 42.jpg 43.jpg 44.jpg 45.jpg 46.jpg 47.jpg 48.jpg 49.jpg 5.jpg 50.jpg 51.jpg 52.jpg 53.jpg 54.jpg 55.jpg 56.jpg 57.jpg 58.jpg 59.jpg 6.jpg 60.jpg 61.jpg 62.jpg 63.jpg 64.jpg 65.jpg 66.jpg 67.jpg 68.jpg 69.jpg 7.jpg 70.jpg 71.jpg 72.jpg 73.jpg 8.jpg 9.jpg