Awiting likha ng mga Batangueno at katutubong sayaw, parangal para kay Mabini

Muling nagtagisan ng galing sa pagkanta ng mga awiting likha ng mga Batangueñong kompositor at sa pag-indak ng katutubong sayaw ang mga estudyante at guro mula sa mga paaaralan sa buong probinsiya ng Batangas sa taunang Patimpalak Parangal para kay Apolinario Mabini, JULY 18, sa Batangas City Convention Center. .

Ayon kay Eduardo Borbon, vice chairman ng Cultural Affairs Committee, sinisikap ng pamahalaang lungsod na mapaalab ang pagmamahal sa bayan ng mga Batangueño sa pamamagitan ng simpleng paraan ng pagpupugay sa isa sa mga bayaning mahalaga ang bahaging ginampanan upang makamit ang kalayaan ng bansa.

Ang pyesa sa elementary level ay ang sikat na awiting “Munting Mundo”ni Ryan Cayabyab.

Para sa vocal ensemble/treble arrangement sa secondary level ay ang “Magtipon sa Tahanan ng Diyos” ni Augusto Espino.

Nagtagisan naman ng galing ang mga mag-aaral sa Senior High category sa pag-awit ng “May Bukas Pa” ni Charo Unite.

Ang awiting “Laki sa Layaw” ni Isaias Argente ang pinaglabanan sa kategorya sa Tertiary.

Sa faculty level, ang awiting “ Diwa ng Bagumbayan” ni Lorenzo Ilustre ang pyesa sa dueto.

Sinabi ng composer na si Espino, isa sa mga recipients ng Gawad Gintong Duyan” ng pamahalaang lungsod sa larangan ng musika, iniaalay niya sa Diyos ang kanyang mga komposisyon at isang malaking “bonus” para sa kanya ang awitin ng mga mag-aaral ang kanyang mga nilikha.

“Nagpapasalamat ako sa pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor Beverley Dimacuha sa pagbibigay ng pagkilala sa aming mga Batangueño composers at hangad ko na ma-sustain ang ganitong klaseng gawain,” dagdag pa ni Espino.

Ang mga nanalo sa elementary ay ang sumusunod: double quartet-1st, Saint Bridget College (SBC), 2nd, Sta. Teresa College (STC); vocal ensemble- 1st, STC, 2nd SBC, at 3rd, Batangas Province High School for Culture and Arts..

Sa Senior High solo category,1st ang STI ,2nd ang STC at 3rd ang UB.

Nagkampeon sa tertiary level (solo) ang Lyceum of the Philippines University – Batangas, second ang SBC at 3rd ang Batangas State University.

Sa faculty level (dueto), 1st ang University of Batangas, 2nd ang SBC at 3rd ang Batangas National High School.

Ang mga nanalo naman sa katutubong sayaw ay ang mga sumusunod:

Elementary- (Polka sa Nayon)
First Place Bagong Silang Elementary School
Second Place Saint Bridget College
Third Place Saint Bridget College – Alitagtag

Secondary Level – (Jota Rizal)
First Place Marian Learning Center & Science High School
Second Place Sta Teresa College
Third Place Batangas National High School

Senior Level – (Jota Batanguena)
First Place Sta Teresa College
Second Place Saint Bridget College
Third Place Cristo Rey Institute for Career Development Inc.

Tertiary Level – (Alitaptap)
First Place Batangas State University
Second Place Sta Teresa College
Third Place Saint Bridget College

Faculty Level – (Komintang)
First Place Saint Bridget College
Second Place Sta Rita Elementary School


Ang tema ng patimpalak ay “Ïpagdiwang Diwa ni Mabini, Diwang Batangueno”.

 

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg