- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Batangas City High School for the Arts building pinasinayaan
- Details
- Thursday, 15 August 2019 - 3:06:58 PM
Pinasinayaan ang two-story building ng Batangas City High School for the Arts (BCHSA) ngayong araw na ito, August 13, sa loob ng compound ng Batangas National High School (BNHIS) sa pangunguna nina Congressman Marvey Mariño at Mayor Beverley Dimacuha.
Ayon kay Victoria Dela Cruz, OIC ng nasabing paaralan, ito ay isang pampublikong paaralan kayat libre ang tuition para sa mga kabataang residente ng lungsod. Hinuhubog dito ang special skills ng mga mag-aaral sa music, arts, visual arts, theatre, dance at pagtugtog ng musical instruments.
Nagsimula ang operasyon nito noong nakaraang taon bilang bahagi ng Special Program for the Arts (SPA) ng BANAHIS. Ang gusali ng Bahay Kaalaman sa loob ng BANAHIS ang kanilang ginagamit. Sa kasalukuyan , ito ay may 13 guro at 140 estudyante.
Upang makapasok dito, ang estudyante ay dapat may average na 85% at kailangang ma maintain niya ang average na ito. Dalawang oras sa isang araw ang klase sa special skills sa BCHSA habang ang ibang oras ay para sa academic studies.
Tumatanggap ng P1,000 na allowance buwan buwan ang mga mag-aaral dito mula sa pamahalaang lungsod o P 10,000 kada school year, na ibinibigay tuwing enrolment sa buwan ng Mayo at tuwing Disyembre. Ang pamahalaang lungsod din ang nagkaloob ng mga musical instruments, video camera, computer set, aircondition units at sagot din nila ang electricity bill nito.
Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng naturang paaralan sa suportang ipinagkakaloob ng pamahalaang lungsod.
Ayon kay Mayor Dimacuha, inaasahan niya na ang mga mag-aaral nito ay magbibigay ng dagdag na kariktan sa lungsod.
“Hinihiling ko rin na maging disiplinado kayo sa inyong mga pagtatanghal sa ibat-ibang lugar at maging responsable sa pag-iingat sa mga gamit na kaloob ng pamahalaang lungsod,” dagdag pa ng Mayor.
Nagpahayag naman ng suporta si Congressman Marino sa naturang paaralan na magiging katuwang aniya ng pamahalaang lungsod sa pagpapahalaga sa kultura at tradisyon ng lungsod. Dumalo din sa naturang okasyon sina Councilor Alyssa Cruz, OIC Division Schools Superintendent Dr Donato Bueno at OIC Asst. Division Schools Superintendent Dr Rina Ilagan. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.