- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Solid Baybay MarBev Cup Basketball League sinimulan na
- Details
- Monday, 14 October 2019 - 1:24:00 PM
Pinangunahan nina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño ang ceremonial toss hudyat ng pag uumpisa ng Solid Baybay MarBev Cup Basketball League, October 12, sa brgy. Talahib Pandayan na siyang host barangay.
Ang dalawang opisyal na nagtataguyod ng ganitong sports event hindi lamang para sa physical fitness ng mga mamamayan kundi bilang isang paraan na mapalawak ang pagkakaisa at magandang samahan ng mga barangay ang siyang nagkaloob ng uniforms ng lahat ng players.
Kalahok dito ang mga koponan mula 19 na barangay ng Solid Baybay tulad ng Talahib Pandayan, Pinamucan Ibaba, Tabanago Aplaya, Dela Paz Proper, Talahib Payapa, San Andres, Mabacong, Simlong, Pagkilatan, Dela Paz Pulot Aplaya, Dela Paz Pulot Itaas, Pinamucan Proper, Tabangao Ambulong, Ilijan, San Agustin Kanluran, Liponpon, San Agapito, San Agustin Silangan, at San Antonio.
Ang anim na barangay ng Isla Verde ay bumuo lamang ng isang team na tinatawag na “One Isla Verde”.
Naging tampok sa opening program ang pagpili ng Muse of Solid Baybay MarBev Cup 2019 na nakuha ni Kiana Mari Castllo ng Talahib Pandayan, first runner-up si Paythe Danica Arellano ng Simlong at 2nd runner- up si Shanelle Maxine Pasno mula sa Tabangao Ambulong.
Idaraos ang mga laro tuwing Sabado at Linggo sa iba’t ibang barangay ng Solid Baybay.
Sa unang tatlong laro ay nanalo ang One Isla Verde laban sa Tabangao Aplaya, Pinamucan Ibaba laban sa Talahib Payapa at ang Talahib Pandayan laban sa Dela Pas Pulot Itaas.
Katuwang ng Solid Baybay ang Batangas City Sports Council na siyang nangangasiwa ng liga. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.