- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
MOA sa share ng Batangas City bilang host ng power plants nilagdaan
- Details
- Thursday, 31 October 2019 - 4:38:00 PM
Muling lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) noong October 28 sina Mayor Beverley Rose Dimacuha at si Mr Ramon Araneta, VP ng First Gen Power Corporation kaugnay ng kabahagi ng Batangas City sa kita ng mga power plants ng nasabing kumpanya bilang host ng mga ito. Ito ay alinsunod sa Energy Regulation (ER) 1-94 ng Department of Energy (DOE) kung saan ang share ng isang host local government unit (LGU) ay one centavo per kilowatt war ng electricity sales ng isang power plant.
Sa ilalim ng First Gen Power Corporation, nag ooperate ang limang power plants nito-ang 1000MW Sta Rita Power Plant, 500 MW San Lorenzo Power Plant, 450 MW San Gabriel Power Plant sa barangay Sta Rita at ang 97MW Avion Power Plant sa barangay Bolbok.
Isinasaad ng ER 1-94 na sa isang sentimo ng electricity sales ng power plant sa mga power utilities, 50% ay pupunta sa Electrification Fund (EF); 25 % ay para sa Development and Livelihood Fund (DLF) at ang natitirang 25% ay para sa Reforestation, Watershed Management, Health and/or Environment Enhancement Fund (RWMHEEF).
Mayroon ding katulad na share na nakukuha ang host barangays at ang pamahalaang panlalawigan.
Ayon kay City Planning and Development Officer (CPDO) Januario Godoy, sa nakalipas na sampung taon ay nakapagpatupad na ang pamahalaang lungsod ng mga proyekto na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa P 150 milyon mula sa share ng city sa kita ng mga nasabing power plants ng First Gas.
“Dati ay kailangan pang dumaan sa DOE ang perang nireremit ng mga power companies sa mga host LGUs at nirerequire ang mga ito na magsubmit ng project proposal subalit ngayon ay diretso na ito sa LGUs habang ang pondong gagamitin sa electrification fund ay diretso na ding ireremit sa Meralco sa kaso ng Batangas City upang kanilang magamit sa improvement ng secondary lines ng ibat-ibang barangay,” sabi niya.
Ang positibong pagbabagong ito para sa mga LGUs ay sa inisyatibo ni Congressman Marvey Marino kung saan inamyendahan ang ER 1-94 na dapat ay idownload ng diretso sa mga host LGUs ang pondo upang mas mabilis na magamit sa mga programa at proyektong pangkaunlaran.
Nagsumite na aniya ang pamahalaang lungsod ng annual work program o listahan ng mga proyekto na paggagamitan nito. Ang pera ay ididiretso sa Trust Fund Account ng lungsod na specifically para sa ER 1-94 DOE projects.
May 10 Trust Fund Accounts ang binuksan ng pamahalaang lungsod para sa limang kompanya ng power plants dito sa Batangas City, kabilang ang Kepco Ilijan Power Plant.
Sa ilalim ng livelihood development plan, maaaring magsagawa ng barangay road concreting, construction ng evacuation center o livelihood center at maging sa pagbili ng heavy equipment na gagamitin sa road construction projects; sa ilalim ng Reforestation, Watershed Management, Health and/or Environment Enhancement Fund, pwede ang pagbili ng ambulansya o pagpapagawa ng health center; habang ang electrification fund ay gagamitin ng utility company sa mga isusumiteng listahan ng mga barangay na nangangailangan ng improvement at expansion ng power lines.
Ang lahat ng mga proyektong ipatutupad ay kinakailangang nakasaad sa City Annual Investment Program (AIP) upang maisakatuparan.
Samantala, lumagda din sa isang MOA si Mayor Dimacuha at ang National Water Resources Board (NWRB) kasama ang provincial government at ang Dep Ed Batangas City hinggil sa kanilang proyekto na mag put up ng tatlong water monitoring wells sa tatlong paaralan sa lungsod.
Ito ay sa Alangilan Elementary School, San Isidro at Batangas City East Elementary School.
Layunin ng naturang proyekto na makakuha ng baseline information upang magkaroon ng basis ang mga water service provider at ang pamahalaang lungsod para sa sampling ng tubig upang malaman ang kalidad nito at kung ligtas itong inumin. Dito din malalaman kung ang suplay ng tubig dito ay sapat upang magamit naman sa mga planning activity sa hinaharap. Ang proyekto ay isasagawa sa susunod na taon.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.