- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Batangas City Traffic Ordinance of 2020 ipinasa na
- Details
- Tuesday, 26 November 2019 - 7:55:00 AM
Ipinasa ng Sangguniang Panglungsod noong ika-11 ng Nobyembre ang Batangas City Traffic Ordinance of 2020 kung saan ito ay naglalaman ng mga amendments sa dating ordinansa upang ito ay mapalakas at umayon sa pangkasalukuyang sitwasyon ng trapiko sa lungsod.
Ayon kay Councilor Nestor Boy Dimacuha, author ng naturang ordinansa, napapanahon na upang rebisahin at amyendahan ang traffic code ng lungsod sapagkat may ilang probisyon na hindi na angkop sa kasalukuyan.
“Dalawa ang layunin natin kung bakit natin ni-rebisa ang ordinansa. Una na rito ang transport concern na related sa trapiko at ang ikalawa ang safety ng general riding public. Magkakambal kasi yan. Sa paguusap-usap namin at sa dami ng feedback sa atin, naisip namin na muling amyendahan ang ordinansa upang maging adaptable sa panahon ngayon,” sabi ni Dimacuha
Ayon pa sa kaniya, masasabing hindi na angkop ang dating ordinansa sa dami ng napadagdag na mga sasakyan at sa dami na rin ng tao sa lungsod.
“Panahon na upang ma-educate at ma-lecture-an ang mga drivers at gayundin ang mga mananakay. Marami kasi sa kanila ang hindi alam ang kanilang karapatan bilang pedestrian at driver. Sila minsan ang nagiging contributor ng traffic, plus may katigasan din minsan ang ulo ng iba,” dagdag pa ni Dimacuha.
Isa sa rebisyon ng bagong ordinansa ay ang pagdaragdag ng penalties sa mga mahuhuling lumabag dito. Bagamat itinaas ang amount ng penalty, “reasonable pa rin naman ito at naaayon sa paglabag at hindi mawawala ang due process sa bawat violation.”
Isa rin sa idinagdag sa ordinansa ang Article 15 kung saan magkakaroon na ng towing, clamping at paghihigpit sa impounding ng mga sasakyan na nakapark illegally sa mga hindi designated parking areas. Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng DILG Memo Circular 2019-121 na linisin ang public streets upang mapakinabangan ng mga tao.
Ipinagbabawal na rin ang drop-off at pick-up ng mga estudyante sa kahabaan ng MH Del Pilar Street kung saan nagiging sanhi ito ng congestion ng traffic lalo na sa umaga at hapon na pasukan at labasan ng mga estudyante ng University of Batangas at Saint Bridget College.
Ayon pa sa ordinansa, ide-deputize ang mga barangay officials upang makatulong sa traffic management lalo na sa poblacion area. Ang mga ito ay dadaan sa trainings at seminars upang malaman nila kung hanggang saan lamang ang kanilang kapangyarihan at maiwasan na maabuso ito ng iba.
Magkakaroon din ng public consultation sa lahat ng sektor ng lungsod upang maipaalam ang mga pagbabago sa Batangas City Traffic Code na ipatutupad sa Enero ng susunod na taon.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.