Japanese technology ginamit sa paglilinis ng Calumpang River

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

Isang malaking business corporation ang nagbigay ng tulong sa Batangas City sa paglilinis ng Calumpang River gamit ang isang Japanese technology bilang bahagi ng Adopt-a-River project ng Department of Environment and Natural Resources .

Ang teknolohiyang ito mula sa Japan ay ang bokashi ball na ginagamit sa paglilinis ng mga anyong tubig tulad ng ilog, dagat at iba pa.

May 500 bokashi balls ang ipinagkaloob sa Batangas City ng RFM Corporation na supporter ng mga environmental programs ng pamahalaan bilang bahagi ng kanilang corporate social responsibility.

Pinangunahan nina City Environment and Natural Resources Officer (CENRO), Oliver Gonzales, Girlie Sevarello, ng DENR-Environment Management Board (DENR-EMB), CALABARZON at kinatawan ng RFM Corporation ang paghahagis ng 500 bokashi balls sa Calumpang River, December 10.

Pinipigilan nito ang paglago ng algae at pagkalat ng bacteria at inaalis ang mga dumi sa tubig hanggang sa ito ay maging malinaw at malinis.

Ang isang bokashi ball ay epektibong makakalinis ng isang metro kwadradong lugar. Ito ay ligtas sa mga isda at hindi makakasira sa mga yamang dagat.

Ayon kay Gonzales, pagkatapos ng isang buwan ay magsagawa sila ng water testing para ma check kung naging epektibo ang bokashi balls sa Calumpang River.

Nakasama rin sa gawaing ito ang mga adopters ng Adopt-A-River project mula sa walong local government units sa region IV-A. (PIO Batangas City)