- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Fluvial procession ng Sto. Nino isang pasasalamat sa kanyang biyaya
- Details
- Tuesday, 07 January 2020 - 7:08:00 PM
Isang religious tradition na ng Batangas City ang pagdaraos ng fluvial procession ng Mahal na Patron ng Sto. Nino sa Ilog ng Calumpang bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan nito sa January 16 kung kayat muling ipinakita ng kanyang mga deboto ang kanilang pananampalataya at pagpapasalamat sa kanya sa pamamagitan ng pakikilahok dito.
Nagsimula ang okasyon ngayong January 7 sa pagsundo sa imahe ng Sto. Niño sa Basilica of the Immaculate Conception at nagtuloy sa Batangas City Convention Center para sa Alay sa Sto. Niño Cultural Presentations.
Pagkatapos ng cultural presentations, ipinagpatuloy ang motorcade ng Sto. Nino papuntang Barangay Cuta Duluhan kung saan nag-abang ang mga residente dito. Isinakay ang imahe sa decorated banca kasama sina Mayor Dimacuha, Cong. Mariño ilang mga city councilors at department heads.
Sa buong panahon ng fluvial procession, patuloy ang pagdadasal ng dalit sa Mahal na Patrong Sto Nino.
Matiyaga namang naghintay ang maraming deboto sa tulay ng Calumpang sa pagdating ng grupo nina Mayor Dimacuha.
Si Marissa Guadez, isang empleyado ng pamahalaang lungsod ay may 26 na taon nang deboto ng Sto Nino. Aniya, lubos ang kanyang pasasalamat sa patron sa pagkakaloob ng kanilang kahilingan na magkaroon ng anak na babae bilang karagdagan sa kanilang apat na anak na pawang mga lalaki.
Si Aling Nida Tolentino, 50 taong gulang ng Sitio Ferry ay humigit kumulang na 10 taon nang deboto. Palagi aniyang panalangin na sila ay palaging magkakasama ng kanyang pamilya at huwag magkasakit ang kanyang mga anak.
Si Mang Lando Bacsa, 58 taong gulang na residente ng barangay Cuta ay tatlong taon pa lamang deboto ng Sto Nino, siya ay dating deboto ng Itim Na Nazareno. Nabigyang katuparan ang kanyang hiling na magkaroon ng trabaho sa ibang bansa ang kanyang anak.
Sinalubong ng mga fireworks sa magkabilang bahagi ng dike ng tulay ang pagdating ng prusisyon ng mga bangka.
Matapos umahon ang grupo ni Mayor Dimacuha at ibang deboto sa Calumpang bridge, sinimulan naman ang prusisyon patungong simbahan.
Makikita ang iba’t ibang imahen ng Sto. Niño sa labas ng mga bahay sa poblacion habang dumadaan ang prusisyon.
Bago pumasok ng simbahan, sinalubong ang prusisyon ng isang magarbong fireworks na nagbigay kasiyahan sa mga tao.
Nagtapos ang religious activity sa pamamagitan ng isang Banal na Misa sa Basilica. (PIO BATANGAS CITY)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.