- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Eto Batangueño Disiplinado, Magkatuwang Tayo inilunsad
- Details
- Wednesday, 08 January 2020 - 3:28:00 PM
Sinimulan ng pamahalaang lungsod ng Batangas ng tama ang taong ito sa pamamagitan ng paglulunsad ng Eto Batangueño Disiplinado, Magkatuwang Tayo program ni Mayor Beverley Rose Dimacuha, January 8, sa Batangas City Convention Center. Layunin nitong ikintal ang disiplina at magandang asal sa bawat mamamayan upang mangibabaw ang dangal ng lahing Batangueño.
Iba’t ibang sektor ang dumalo at nagpakita ng kanilang pagsuporta sa paglulunsad ng adbokasiyang ito ni Mayor Beverley kagaya ng government, business, schools, Sangguniang Kabataan, boy scouts, girl scouts, senior citizens, kababaihan, civic at transport groups, Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender (LGBT) community at iba pa.
Dumalo rin dito sina Batangas Vice Governor Mark Leviste, Vice Mayor Jun Berberabe at iba pang local officials.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Dimacuha na inspirasyon niya sa pagbuo ng programang ito ang magandang kultura na nakikita niya sa Japan kapag ang kanyang pamilya ay pumupunta rito. Humahanga siya sa honesty ng mga Japanese kung kayat secure ka na walang magnanakaw dito at ito mismo ay naranasan ng kanyang anak ng maiwan nito ang kanyang kagamitan doon at madaling napabalik sa kanya. Aniya, ang disiplina ng mga Japanese ay makikita rin sa kanilang kalinisan, kilos at iba pang aspeto ng kanilang pamumuhay.
“Pakiwari ko ay sinasabi nilang walang saysay ang yaman at talino kung ang asal ay animo’y mabangis na hayop sa gubat ng pagkakawatakwatak.”
Inalala niya ang kanyang ama na si dating Mayor Eduardo Dimacuha na unang nagtanim ng binhi ng Eto Batangueño Disiplinado o EBD bilang slogan ng kanyang programang pangkalikasan at pangkapaligiran, ganoon din ang kaayusan.
Ito ay binigyan ni Mayor Beverley ng mas malawak na nilalaman kung saan nais niyang simulan ang pagtuturo ng magandang asal sa mga bata kagaya ng pagsasabi ng po at opo, paggalang sa mga matatanda at iba pang values ng mga Filipino. Nais din niya itong isabuhay at isapuso sa pamamagitan ng pagsunod sa batas, kalinisan, hindi pagdudura sa kalye at marami pang pwedeng ipagmalaki ng mga mamamayan.
“Hindi dapat maiwan ng kaunlaran ang magandang asal at disiplina,” sabi ng Mayor.
Inaasahan niya na mangunguna ang mga paaralan sa muling pagbibigay ng prayoridad sa paguturo ng magandang asal. Natutuwa rin siya sa pagpapahayag ng simbahan ng pagsuporta sa programang ito.
“Sa pamamagitan ng mga simpleng pagsunod sa batas trapiko tulad ng pagtawid sa tamang tawiran, pagsusuot ng helmet, pagpila, pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan, ay maipakita sana ng mga Batangueño ang pagkakaroon nila ng disiplina,” pahayag ni Mayor Beverley.
Ayon kay OIC DEp Ed Schools Division Superintendent Dr Felizardo Bolanos, napakaganda ng naturang programa na syang magiging susi upang magkaroon ng maayos at mapayapang pamayanan. “Kaalinsabay ng launching ng pamahalaang lungsod ay ang simultaneous ding launching nito sa lahat ng paaralan sa lungsod. Tuwing pagkatapos ng flag ceremony ay magkakaroon ng talk about values para sa mga mag-aaral.” Palalakasin din nila aniya ang paglinang ng kagandahang asal sa mga estudyante upang maging mabuting mamamayan ang mga ito.
Pinuri ni Congressman Marvey Marino ang Eto Batangueno Disiplinado: Magkatuwang Tayo program ng pamahalaang lungsod at sinabing ang pagiging disiplinado ng mga mamamayan ang magsisilbing atraksyon at malaki ang maitutulong upang makaakit ng mga investors at turistang bibisita sa lungsod.
Binigyang diin din niya na ang pagkakaroon ng disiplina ay kailangang magsimula sa mga kawani ng pamahalaang lungsod. Kailangan din itong ikintal aniya sa mga pamilya kung saan dapat mapanatili ang magandang komunikasyon ng mga miyembro.
Sinabi naman ni Secreatary to the Mayor Victor Reginald Dimacuha na higit pa sa materyal na bagay ang kahalagahan ng magandang asal kung kayat sa pamamagitan ng programang ito ay inaasahan niyang magiging iba ang pagtingin sa mga Batangueño.
Nagkaroon ng prayer at pledge of commitment ang mga dumalo bilang pagpapahayag ng kanilang pagsuporta sa naturang programa.
Nagtapos ang launching sa pamamagitan ng pagpapatugtog ng EBD:Magkatuwang Tayo theme song na sinayawan ng Batangas City Government Dance Group.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.