Batangas City Traffic Ordinance of 2020- Article XV111- Karapatan at Responsibilidad ng Pedestrians

  1.jpg

Section 115- Ang pedestrian ay may karapatan na lumiban ng mga highways at kalsada ng ligtas, at ang drivers ng mga sasakyan ay kailangang gawin ang lahat ng pag-iingat upang hindi siya mabangga at masaktan. Ang isang pedestrian ay hindi dapat bumaba mula sa sidewalk papuntang kalsada ng hindi muna titingin sa mga papalapit na na sasakyan at hindi dapat makaabala sa pagdaan nito.

Section 116- Sa pagliban ng kalsada, ang isang pedestrian ay dapat lumiban sa mga itinalagang pedestrian lanes at kung ang traffic ay kontrolado ng traffic officers o manual o automatically operated signals, ay liliban lamang kapag ang street traffic ay hinudyatan ng STOP ng traffic officer o signal.

Section 117- Paglabag sa batas ang pagtigil ng isang sasakyan sa mga pedestrial lanes sa lahat ng oras.

Section 118- Ang pedestrian ay dapat:
a. Sumunod sa traffic sign, signals, at movement markings.
b. Lumiban sa kalsada at intersections lamang at sa loob ng mga klaro ang markang crosswalks o pedestrian lanes.
k. Laging tumingin ng maingat bago lumiban ng kalsada o roadways.
d. Huwag biglang liliban o titigil sa gitna ng kalsada.
e. Dobleng mag-ingat kung may nakaparadang sasakyan o iba pang obstruction o hadlang sa kanyang paningin.
g. Gumamit ng pedestrian overpass/footrbridge para sa kaligtasan.

Section 119- Walang pasahero ang sasakay ng o bababa mula sa sasakyan sa kahit anong lugar maliban sa mga nakatalagang bus o jeepney stop o lugar na itinalaga para dito.

Kaparusahan sa jaywalking- multang P100.00