Batangas City Bureau of Fire Protection ginawaran ng Medalya ng Papuri

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Ginawaran ng Medalya ng Papuri ng Bureau of Fire Protection (BFP) Region IV-A ang Batangas City Fire Station at mga tauhan nito sa pangunguna ni CINSP Elaine Evangelista dahil sa kanilang malaking kontribusyon sa modernisasyon ng BFP Region IV-A at mahusay na paglilingkod kung kaya’t nakuha nito ang 3 rd Highest Fire Code Fees in CY 2019 sa buong BFP Region IV-A (CALABARZON), City category.

Ang award ay iginawad noong January 10, 2020 sa BFP Regional Office 4-A, Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna.

Umabot sa P16,478,346.42 ang nakolektang fire code fees ng BFP Batangas City noong 2019 na mas mataas ng 41.7% kumpara noong 2018 na P11,770, 007.50. Ayon kay CINSP Evangelista, ito ay bunga ng intensified collection ng fees at taxes tulad ng fire code construction fees, fire code realty tax at iba pang mga taxes at fees. Twenty percent ng kabuuang fees na ito ay mapupunta sa operasyon ng BFP sa lungsod habang ang 80% ay mapupunta sa general fund ng BFP sa nasyonal.

Nakatulong rin sa mataas na koleksyon ang full implementation ng revised Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Fire Code na sinimulang ipatupad noong October 17, 2019.