Sustainability, health at education aspects ng Batangas City pinag-aaralan ng international group

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Isa ang Batangas City sa dalawang lungsod sa Pilipinas na napilling city-sites para sa Center for Sustainable, Healthy, and Learning Cities and Neighbourhood Project (SHLC) na ipinatutupad ng University of the Philippines , School of Urban and Regional Planning (UP SURP) at University of Glasgow- Scotland sa pamamagitan ng United Kingdom’s Global challenges Research Fund (GCRF).

Bukod sa Batangas City at Manila City, 12 syudad pa sa pitong developing countries tulad ng South Africa, Tanzania, Rwanda, China, India, Bangladesh ang katuwang sa proyekto.

Ang SHLC ay apat na taong proyekto na nagsimula noong April 2017 at matatapos sa March 2021. Ilan sa layunin nito ay higit na mapalakas ang research capacities ng mga policy makers at urban studies researchers, makapag buo ng systematic comparative study of cities urbanization and society sa neighbourhood level at makatulong para matugunan ang suliranin sa mabilis na urbanisasyon at makapagpatupad ng mga proyekto sa ilalim ng Sustainable Development Goals (SDGs) ng United Nations (UN).

Naka focus ang proyekto sa tatlo sa 17 Sustainable Development Goals ng UN. Ito ay ang goal no. 3- good health and well-being, goal no. 4- quality education at no. 11- sustainable cities and communities.

Kaugnay nito ay bumisita sa Batangas City noong February 21-22 ang may 26 kinatawan mula sa local at international partners ng SHLC. Kabilang dito ang mga professors/researchers mula UP Diliman, University of Glasgow, at iba pang unibersidad at ahensya sa iba’t ibang bansa tulad ng United Kingdom, Bangladesh, South Africa at iba.

Bilang bahagi ng kanilang pag-aaral sa lungsod, pumunta ang grupo sa Purok Uno, at Edwardson Settlement sa barangay Sta. Clara na kabilang sa low-income barangay; sa Barangay 7 na classified bilang middle income barangay at Greenwoods Subdivision na isang high-income community.

Ayon kay Mario Delos Reyes, UP professor at dean at SHLC Phils., project coordinator, maari silang magbigay ng assistance o intervention sa mga nakita nilang pangangailangan ng mga barangay na ito sa pamamagitan ng ilang funding partners tulad ng German, Italian at British Embassies.

Idinagdag pa ni Delos Reyes noon pa ay nagsagawa na sila ng data gathering sa pamamagitan ng City Planning and Development Office (CPDO) nagkaroon immersion sa ilang komunidad at workshop sa mga barangay ayon sa kanilang pangangailangan.

Sa pagtatapos aniya ng proyekto sa susunod na taon ay magbibigay sila ng recommendation base sa naging comparative study ng 14 cities kung paano ang urbanisasyon nakakaapekto sa kalusugan, edukasyon at iba pa o paano ang kalusugan, edukasyon nakakaapekto sa urbanisasyon. “ Bibigyan rin namin ang dalawang cities ng copies ng resulta ng studies, recommendations, mula sa data we generated from the cities yun nang pinagsasama sama para sa analysis, how can we have a learning city, artist city or healthy city,” sabi pa ni Delos Reyes.

Labis naman nasiyahan ang delegasyon sa assistance na ibinigay ng CPDO sa mabuting pagtanggap sa kanila ng mga taga lungsod. Nagkaroon ng Mayor’s Night kung saan mainit ang naging pagtanggap sa kanila nina Mayor Beverley Dimacuha at Cong. Marvey Marino. Nasiyahan din sila sa cultural performance ng Likhang Sining Dance Group ng Marian Learning Center at Science High School. Bumisita rin sila sa Acosta Pastor Ancestrar House. “We set the bar high, they were impressed. They have experienced the Batangas City hospitality, very different from what they have experienced in other countries, “ pagtatapos ni Delos Reyes. (PIO Batangas City)