Expansion ng Pulong Bato fish sanctuary sa Isla Verde inaprubahan ng SP

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 1.jpg 2.jpg

Inaprubahan ng Sangguniang Panglungsod ang ordinansang nagpapalawak sa nasasakupan ng Pulong Bato fish refuge and sanctuary sa barangay San Agapito, Isla Verde Batangas sa session nito noong Lunes, June 29. Ang ordinansang ito ay isang pag amenda sa section 2 ng Ordinance no. 4 s. 2007 o Ordinance declaring Pulong Bato in San Agapito and Nayag Point in San Agustin Kanluran as fishery refuge and sanctuary.

Nauna rito ay nagpasa ng Resolution No. 2017-001 ang Verde Island Sanctuary Management Board (VISMB) para sa expansion ng PulongBato Fish Sanctuary sa Barangay San Agapito upang mabawasan o maalis ang banta sa coastal waters at mapabilis ang rehabilitasyon ng dive-tourism destinations sa nasabing barangay.

Layunin din ng naturang expansion na maresolba ang patuloy na banta ng illegal at unregulated fishing practices sa Isla Verde, na nakakaapekto rin sa kabuhayan ng mga mangingisda. (PIO Batangas City)