- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Kwento ng tagumpay sa pagsubok sa buhay
- Details
- Friday, 14 August 2020 - 11:05:02 AM
Isang malaking pagsubok na nalampasan kung ituring ni COVID19 survivor Renz Belda, broadcast journalist sa 95.9FM Radyo Totoo ang kanyang naging laban sa nasabing karamdaman.
Siya si patient no. 152 mula sa barangay Concepcion.
Ngayon siya ay magaling na at nagpapalakas mula sa COVID19. Ayon kay Renz, bahagi siya ng contact tracing na isinagawa ng City Health Office (CHO) sa kanilang himpilan sapagkat nagpositibo sa COVID19 ang isa nyang kasamahan.
“Parang pinagbagsakan ng langit at lupa” aniya ang kanyang naramdaman nang lumabas ang resulta ng swab test kung saan nalaman niya na siya ay positibo sa virus.
Bagamat labag sa kanyang kalooban na mapalayo sa kanyang pamilya, sumama siya isolation facility upang hindi na makahawa pa sa ibang tao sa kanyang komunidad lalo na sa kanyang pamilya.
“Iyak ako ng iyak noong unang araw ko sa facility, nahirapan talaga akong mag-adjust”, ayon kay Renz.
“Ini-off ko ang aking cellphone at ayaw kong makipag-usap kahit kanino”, dagdag pa niya.
Nakaranas siya ng depresyon at lungkot habang nasa naturang pasilidad sapagkat hindi aniya siya sanay na nag-iisa. Sa puntong nais na niyang sumuko at bumitiw, nasumpungan niya na higit na palakasin ang kanyang pananalig at pananampalataya sa Diyos na nagsilbi niyang sandigan. Sa tulong ng kanyang pamilya at mga mensahe ng suporta at pagdamay ng kanyang mga kaibigan, naramdaman niya na hindi siya nag-iisa at nalampasan niya ang mabigat na labang ito ng kanyang buhay.
Sa pinagdadaanan ngayon ng buong mundo, payo niya na dapat magkaroon ang ibayong pag-iingat ang lahat upang hindi makapitan o mahawa sa covid19. Payo naman niya sa mga tinamaan ng naturang sakit na huwag matakot mag isolate at huwag magdisconnect mula sa mga mahal sa buhay.
Sa 23 araw na pamamalagi sa isolation facility, naramdaman niya ang mahusay na pag-aalaga ng mga doctor, nurse at iba pang staff nila ng City Health Office sa pangunguna ni Dr Rosanna Barrion. Kung kayat walang hanggang pasasalamat ang ipinaabot ni Renz sa mga ito at sa pamahalaang lungsod ng Batangas sa pangunguna ni Mayor Beverley Dimacuha. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.