Bajau community, tumanggap ng ayuda mula sa PNP

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

May 215 na pamilya ng bajau community sa lungsod ang nakinabang sa “Adopt a Community Police Calabarzon Kaagapay Ko” program, ng CALABARZON PNP sa barangay Malitam, August 24. Sila ay tumanggap ng bigas, canned goods, noodles at tinapay.

Ang pamamahagi ng relief goods ay pinangunahan ng Regional Director ng PRO4A na si PBGEN Vicente Danao Jr. Ayon sa kanyang mensahe, layunin ng nasabing programa na makapagbigay ng ayuda sa mga pamilyang maituturing na ‘poorest of the poor’ na syang lubhang apektado ng umiiral na pandemya.

Binigyang diin niya na ang pondong ginamit sa programa ay mula sa donasyon ng mga stake holders at sa pinagsama-samang ipon mula sa sweldo ng mga pulis.

Samantala,maliban sa pagbabantay sa mga check point sa ibat-ibang lalawigan, katuwang din ang kapulisan ng mga lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng impormasyon upang makaiwas sa covid 19. (PIO BATANGAS CITY)