Pagtugon ng Batangas City government sa COVID 19, mas pinalakas

  1.jpg 2.jpg

Bilang tugon ng pamahalaang lungsod ng Batangas sa tumataas na bilang ng kaso ng COVID19 sa Batangas City, mas pinalakas ng City Health Office (CHO) ang kanilang preventive programs at activities.

Kabilang dito ang pagsisimula ng konstruksyon ng 40-bed isolation facility sa Batangas City Evacuation Center compound sa barangay Bolbok.

Ito ay karagdagan sa limang temporary health facilities na ginagamit sa kasalukuyan at tinutuluyan ng mga asymptomatic at may mild symptoms na COVID 19 positive at suspected patients.

Bukod sa libreng akomodasyon sa mga facilities ay libre rin ang gamot, pagkain at mga prutas. May nakatalagang doctor dito at nurses ang CHO na naka-duty ng 24 oras sa buong isang linggo. Nag hire din ang CHO ng dagdag na nurses at medical technologists para sa mabilis na pagsasagawa ng swab testing at contact tracing.

Magugunita na may Memorandum of Agreement (MOA) ang city government at Philippine Red Cross ( PRC), Batangas para sa mabilis na resulta ng RT-PCR testing na may initial na budget na P5M. Sa utos ni Mayor Beverley Dimacuha na higit na palakasin at pabilisin ang contact tracing, nagbuo ang CHO ng tatlo pang contact tracing teams na karagdagan sa 2 naunang grupo.

Bukod sa CHO personnel kabilang sa contact tracing teams ang mga empleyado ng City Disater Risk Reduction Management Office (CDRRMO), Batangas City Police Office at Information Technology and Services Division ( ISTD). Ang mga ito ay sumailalim sa seminar workshop na isinagawa ng grupo ng tinaguriang "contact tracing czar" ng Pilipinas na si Mayor Benjamin Magalong,

Samantala, mahigpit pa rin ang panawagan ni Mayor Dimacuha sa mga taga lungsod na sundin ang mga safety at health protocols upang mapigilan ang pagkalat ng COVID 19 infection. (PIO Batangas City)