Mayor Dimacuha, pinarangalan sa 29th anniversary ng BJMP-CALABARZON

  1.png 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg

Ginawaran ng Special Award for Local Government Unit si Mayor Beverly Rose Dimacuha sa virtual celebration ng ika- 29 na taong anibersaryo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) - CALABARZON na ginanap sa BJMP-NHQ Main Conference Hall, August 27.

Ang nasabing parangal ay bilang pagkilala sa suportang ipinagkakaloob ng pamahalaang lungsod sa pangangalaga sa kapakanan at pagpapabuti ng kalagayan ng mga persons deprived of liberty (PDL) ng Batangas City Jail.

Kabilang dito ang alokasyon ng P 5.6M halaga ng annual budget ng BJMP para sa kanilang operasyon. Nakapaloob dito ang rice at goods subsidy, office supplies, provision of gasoline for transport vehicle, personnel allowance at logistical support para sa utility bills. Nagpaabot ng pagbati sa BJMP si Mayor Dimacuha sa pamamagitan ng isang video message.

Naging tema ng pagdiriwang ang “ Mahusay na Pamamahala ng Piitan, Matatag na Kabalikat sa Pampublikong Kaligtasan”. Samantala, ang Batangas City Jail ay nananatiling COVID19-free facility. (PIO Batangas City) )