COVID19 Incident Management Team, muling binuo

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Sa hangaring higit na mapalakas ang mga preventive programs ng pamahalaang lungsod laban sa COVID19, muling binuo ni Mayor Beverley Rose Dimacuha ang COVID19 Incident Management Team (IMT) sa bisa ng Memorandum No. 78, August 25.

Ang IMT ay pamumunuan ni Executive Assistant (EA) to the Mayor, Edelberto Perez, bilang Incident Commander (IC).

Kabilang sa miyembro nito ang iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan , Bureau of Fire Protection (BFP) at Batangas City Police Office kung kaya’t inaasahan ang mas mabilis na aksyon at sama-samang pagkilos upang mapigilan ang pagkalat ng COVID19 sa lungsod.

Sa pamamagitan ng IMT, nakapagbuo ng karagdagang 12 monitoring teams na makakatuwang ng EBD monitoring team sa pagbisita sa mga business establishments, construction sites, at mga barangay upang tiyaking nasusunod ng mga ito ang mga ordinansa gayundin ang mga health at safety protocols kontra COVID 19. (PIO Batangas City)