Batangas City, isinailalim sa state of calamity dahil sa bagyong Quinta

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Isinailalim na sa state of calamity ang Batangas City dahil sa matinding pinsalang dulot ng bagyong Quinta, October 26. Ang deklarasyon ay isinagawa ni Mayor Beverley Rose Dimacuha sa pamamagitan ng Executive Order no. 42.

Ayon sa EO, sa pagkakadeklara ng lungsod sa ilalim ng state of calamity, mas mapapabilis ang pagsasagawa ng rescue, recovery at rehabilitation projects ng pamahalaang lungsod.

Dahil sa bagyong Quinta, malaki ang nagging pinsala sa agrikultura at imprastraktura ng lungsod. Nasira ang mga national road sa barangay Talumpok Silangan at Dela Paz dahil sa malakas na ulan at hangin. Ilang mga bahay at ari-arian rin ang nasira kung saan may 300 pamilya ang kinailangang lumikas.

Sa pamamamagitan ng naturang EO, mas mabilis na maa-assess ang mga pinsala ng bagyo sa iba’tibang barangay upang mas mabilis na maisagawa ang mga relief at medical operation at matugunan kaagad ang pangangailangan ng mga residente dito. (PIO Batangas City)