Virtual huntahan para sa mga may kapansanan, isinagawa ng CSWD

  1.png 2.png 3.png 4.png 5.png 6.png 7.png 8.png

Isang virtual huntahan ang isinagawa ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) para sa mga Persons With Disability (PWD) at mga stakeholders sa lungsod upang alamin ang sitwasyon at kalagayan ng mga ito ngayong panahon ng pandemya, November 6.

Nagsilbing resource speaker si Diosa Atienza, RSW, Social Welfare Officer IV kung saan tinalakay niya ang mga batas at pribilehiyo na maaaring matanggap ng mga PWD’s. Ilan sa mga ito ay ang 20% discount sa mga gamot, consumer goods sa ibat-ibang establisiyemento gayundin sa pamasahe, medical at dental services sa mga pribadong pasilidad. Nagbahagi ng mahahalagang impormasyon si Dr. Ian “Dandy” Calingasan ng City Health Office (CHO) hinggil sa mga health protocols at tips kung paaano maiiwasan magkaroon ng COVID19.

Tinalakay naman ni Rosalina Panganiban ng SPED - SDO Batangas City ang mga programa ng DepEd para sa mga SPED students. Higit na binigyang linaw ni CSWD Officer Mila Espanola ang Republic Act 10754 o ang An Act Expanding The Benefits And Privileges Of Persons With Disability (PWD) tulad ng paglalagay ng railings at priority lane para sa mga ito.

Ang naturang virtual huntahan ay dinaluhan ng humigit kumulang sa 50 participants na kinabibilangan ng officers ng PWD association, women’s group, child development workers, barangay officials, mga opisyales ng City Council for the Elderly, at mga kawani mula sa Civil Registrar’s Office at City Health Office. (PIO Batangas City)