Pagpapalawig sa pagbabayad ng buwis, fees at iba pang charges, inaprubahan

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Inaprubahan ng Sangguniang Panglungsod ang Extension of Deadlines for the Payment of Taxes, Fees and Charges in Batangas City bilang pagtalima sa RA 11494 o ang Bayanihan To Recover As One Act ng national government, November 10.

Layunin ng nasabing batas na maprotektahan ang interes ng mga mamayan at mabigyan ng pagkakataong makabangon ang mga lubhang naapektuhan ng pandemya lalo’t higit yaong mga nasa business sector.

Ayon sa Department Circular 003-2020 ng Department of Finance, mula sa deadline na September 14 2020, ini-extend ito hanggang December 19, 2020. Kabilang dito ang deadline at timeline for the filing at submission of any document, payment of taxes, fees, and other charges na nire-require ng batas.

Dahil sa nabanggit na extension, walang interest, surcharges at penalties na kokolektahin ang Local Government Unit (LGU). Ang mga may tax delinquencies ay magkakaroon lamang ng penalties sa pagtatapos ng deadline sa Disyembre.

Samantala, kung sakaling nagbigay na ng ekstensyon ang isang LGU na mas maaga sa December 19, kailangang i-extend pa din ito at sundin ang circular ng Department of Finance. (PIO Batangas City)