- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Integrated Business One-Stop Shop ng Batangas City, bukas na
- Details
- Wednesday, 16 December 2020 - 2:00:29 PM
Bukas na ang Integrated Business One-Stop Shop (BOSS) ng pamahalaang lungsod ng Batangas sa 4th floor ng Bay City Mall na naglalayong magbigay ng mabilis at simpleng proseso ng pagrerehistro at pagrerenew ng negosyo sa Batangas City, December 16.
Matatagpuan dito ang mga regulatory office na nagbibigay ng certification o clearance sa pagkuha ng business permit na kinabibilangan ng Business Permit and Licensing Office (BPLO), City Health Office (CHO), City Planning and Development Office (CPDO) Environment and Natural Resources Office (ENRO), City Treasurer’s Office (CTO), Office of the City Veterinarian and Agricultural Services (OCVAS), Office of the City Market Administrator (OCMA) at Bureau of Fire Protection (BFP).
Para sa Step 1, may 9 na windows para sa “Filing and Assessment” at 5 windows para sa bayaran o “Pay and Claim”. Lumipat na din sa nasabing lugar ang One Stop Shop for Construction Permits (OSCP) na may “Releasing at Receiving” windows na pangangasiwaan ng mga kawani mula sa City Engineer’s Office (CEO) kasama ang ilang empleyado mula sa ENRO, CPDO, BFP, CHO,OCVAS, CTO at Assessor’s Office. May 20 kawani mula sa License Division ng City Treasurer’s Office upang tumanggap ng bayad ng business permits, transfer tax, rentals, clearances at sa mga kukuha ng sedula.
May mga staff ang Information Technology Service Division (ITSD) upang magbigay ng impormasyon hinggil sa online registration at online payments habang ang mga tauhan ng Defense and Security Services (DSS) naman ang mangangangalaga sa kaayusan at katahimikan gayundin sa pagpapatupad ng mga safety protocol kontra COVID-19.
May nakalaan ding lugar para sa mga aplikante na kakailanganin ang clearances at requirements mula sa mga national agencies tulad ng Philhealth, PAG-IBIG at Social Security System (SSS) at DTI.
Mayroon din ditong conference room na kayang mag accommodate ng 15-200 katao.
Para sa mga kliyente na nagnanais pumila ng maaga, maaaring dumaan sa basement ng naturang mall ng 7:30 ng umaga habang maaaring gamitin ang entrance ng mall kapag nagbukas ito ng alas nuwebe ng umaga. Walang ginugol ang lokal na pamahalaan sa pagpapagawa ng Integrated BOSS sapagkat ito ay sa ilalim ng contract obligation ng Bay City Mall. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.